‘Coconet,’ inilatag kontra landslide sa Laguna | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Coconet,’ inilatag kontra landslide sa Laguna

‘Coconet,’ inilatag kontra landslide sa Laguna

Mariz Laksamana,

ABS-CBN News

Clipboard

Agaw-pansin sa isang barangay sa bayan ng Cavinti, Laguna ang tila banig na nakalatag sa lupa sa tabi ng kalsada.

Pero hindi ito palamuti, kundi pantulong para maiwasan ang landslide.

Tinatawag itong "coconet" na yari sa coconut fiber o bunot ng niyog.

Nang sinimulan ang road-widening project sa lugar, mas dumalas umano ang pagguho ng lupa tuwing umuulan.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, naisipan ng lokal na pamahalaan na sumangguni sa Department of Public Works and Highways para masolusyonan ang problemang ito.

"So tuwing magkakaroon dito ng ulan, masamang panahon, nagkakaroon tayo dito ng unexpected soil erosion kung kaya't idinulog namin sa tanggapan ng DPWH through project engineer na magkaroon ng preventive measures kung saan maiiwasan iyong pagkakaroon ng landslide," paliwanag ni Police Senior Inspector Glenn Cuevas, hepe ng Cavinti Police.

Ayon naman sa lokal na pamahalaan ng Cavinti, makakatulong ang coconet sa pagtubo ng mga halaman.

"Para pong nilala or hinabi at inilatag doon para po iyong halaman tumubo po kung saan magkakaroon ng ugat na 'pag iyon po ay naging, kumbaga, ay malalim na iyong ugat, makakatulong po para mapigilan po iyong pagguho ng lupa," paliwanag ni Richel Tena, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office designate.

Malaki rin umano ang naitutulong ng coconet sa pag-iwas sa sakuna dulot ng mga gumuhong lupa o batong napupunta sa kalsada kung saan madalas biktima ang mga motorista.

ADVERTISEMENT

"May tendency po talagang ang lupa ay pumunta sa kalsada. Talagang basa, maputik, madulas ang kalsada ay pwede pong maging sanhi ng vehicular accident kaya malaking tulong na rin po iyon na ginawang hakbang ng taga-DPWH," dagdag ni Tena.

Umaasa ang ilang residente na magiging epektibo ito para maiwasan ang sakuna sa kanilang lugar.

Pagkalipas ng sapat na panahon para mapatubo ang mga halaman sa mga bahaging nilatagan ng coconet, ililipat ito sa iba pang landslide-prone areas na apektado rin ng road widening project.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.