Estudyante, inakusahang nagnakaw, nagpanggap na kinidnap | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Estudyante, inakusahang nagnakaw, nagpanggap na kinidnap
ABS-CBN News
Published Jan 09, 2018 01:26 PM PHT

Isang babaeng estudyanteng inakusahang nagnakaw umano ng pera sa kanilang paaralan ang nagpanggap na kinidnap, na naging sanhi para maalarma ang mga awtoridad sa Cebu City noong Lunes.

Nahanap nitong Lunes ng gabi ang 21 anyos na si Kristel Jade Wety, na unang iniulat na dinukot umano ng mga banyagang kawatan habang papasok sa paaralan noong Lunes ng umaga.

Makalipas ang 15 oras na paghahanap, natagpuan ng mga awtoridad na ligtas si Wety sa Barangay Jubay, Liloan, Cebu matapos lumapit ng dalaga sa mga residente sa lugar.

"She sought help from us after she said that she allegedly escaped from the hands of foreign abductors. We right away reported the incident to the tanods then to the police," kuwento ng residenteng si Nenita Wagas.

("Humingi siya ng tulong sa amin matapos umano siyang tumakas sa kamay ng mga banyagang dumukot sa kaniya. Agad naming nilapit ang insidente sa mga tanod at pulis.")

Pero inamin ni Wety sa mga tauhan ng Carbon Police Station, na may hawak ng kaniyang kaso, na wala talagang pangingidnap na nangyari.

Ayon kay Police Chief Inspector Jacinto Mandal, hepe ng Carbon Police Station, nagpanggap si Wety na dinukot siya matapos akusahan sa paaralan nila ng pagnanakaw.

"It turned out that she has somewhat like phobia. She said that she was accused in school of stealing a large amount of money. To her fear she resorted to inventing the story," ani Mandal.

("Mayroon siyang parang phobia. Sabi niya pinagbibintangan siyang nagnakaw ng malaging halaga ng pera sa paaralan nila. Dahil sa takot, ginawa niya ang kuwentong dinukot siya.")

Bago mawala, nagpadala ang dalaga ng text message sa isa sa kaniyang mga kaanak na nagsasasabing dinukot umano siya ng tatlong banyaga sa kanto ng Leon Kilat Street at Borromeo sa Cebu City.

Isinakay umano siya sa itim na van may plate number na PMQ-128.

Pero batay sa CCTV footage ng Carbon Police Station, walang van na dumaan sa lugar na iyon sa oras na sinabi ni Wety.

Humingi naman ng tawad ang kaanak ni Wety dahil sa kaniyang nagawa.

"We humbly ask for forgiveness. Even [we] have a hard time accepting this," pahayag ng tiyuhin ng dalaga.
"We humbly ask for forgiveness. Even [we] have a hard time accepting this," pahayag ng tiyuhin ng dalaga.
ADVERTISEMENT
("Humihingi kami ng tawad. Kahit kami hirap kaming tanggapin ang nangyari.")

Dinala si Wety sa ospital para sumailalim sa medical check-up at debriefing, habang tinitingnan pa ng pulisya kung maghahain ito ng kaso laban sa estudyante.

-- Ulat ni Donna Lavares, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT