Nazareno 2023: Traslacion muling idinaos sa iba-ibang panig ng bansa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nazareno 2023: Traslacion muling idinaos sa iba-ibang panig ng bansa
ABS-CBN News
Published Jan 09, 2023 03:28 PM PHT

Sinuspende man ang tradisyunal na prusisyong Traslacion sa Maynila, muli naman itong idinaos ngayong Lunes sa iba pang lugar sa Pilipinas.

Sa Cagayan de Oro City, libo-libong deboto ang dumayo sa lungsod para makilahok sa Traslacion, na nagbalik matapos matigil nang 2 taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Kahit bumuhos ang ulan nitong madaling araw ng Lunes, tuloy pa rin ang mga deboto sa pakikiisa sa prusisyon mula St. Augustine Cathedral hanggang Shrine of the Black Nazarene.

May ibang debotong nagbitbit din ng sariling rebulto ng Itim na Nazareno.
May ibang debotong nagbitbit din ng sariling rebulto ng Itim na Nazareno.
ADVERTISEMENT
Sa Davao City, idinaos din muli sa 2 lugar ang Traslacion matapos ipagpaliban ng 2 taon dahil sa pandemya.

Sa Barangay Mandug, nagsimula ang prusisyon sa San Alfonso de Maria de Liguori Parish hanggang sa Our Lady of Penafranca Chapel sa Barangay Tigatto.

Kasabay din nito ang prusisyon mula New Lanzona Village sa Barangay Matina Crossing hanggang Barangay Matina Aplaya.

Sa Catarman, Northern Samar, hindi rin nagpatinag sa ulan ang higit 1,000 deboto na nakiisa sa Traslacion mula Catarman Cathedral papuntang St. Rock the Healer Church o Black Nazarene Shrine.

Bagaman nagkaroon na ng pagluluwag sa health protocols sa bansa, mahigpit pa ring pinasusuot ang face mask sa mga debotong nakilahok sa Traslacion sa Catarman.

Patuloy ding mino-monitor ng local health office ang kondisyon ng mga lumahok sa Traslacion para matugunan ang sino mang makitaan ng sintomas ng COVID-19.

Sa Maynila, magugunitang ipinagpaliban ulit ngayong taon ang pagkakaroon ng Traslacion, na nilalahukan ng milyon-milyong deboto. Ito'y bilang pag-iingat pa rin laban sa banta ng COVID-19.

— Ulat ni Rod Bolivar
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Nazareno 2023
Black Nazarene
Traslacion
rehiyon
regions
regional news
Cagayan de Oro
Davao City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT