Ilang bayan sa Batangas nabalot ng vog mula sa Bulkan Taal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang bayan sa Batangas nabalot ng vog mula sa Bulkan Taal

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Jan 10, 2024 06:20 PM PHT
|
Updated Jan 10, 2024 09:54 PM PHT

Kinumpirma ni Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Dr. Amor Calayan na ilang bayan ang apektado ngayon mg volcanic smog or vog matapos magbuga ang Bulkan Taal ng 10,933 metric tons ng sulfur dioxide, tatlong araw bago ang ika-apat na anibersaryo ng Taal eruption.

Kabilang sa mga apektado ay ang Calaca City, Alitagtag, San Nicolas, Tuy, Barangay Banyaga, Agoncillo at Barangay Boso-Boso sa Laurel.

Pero nilinaw ni Calayan na minimal lamang ang epekto nito.

Patuloy ang monitoring ng PDRRMO sa mga apektadong lugar.
Patuloy ang monitoring ng PDRRMO sa mga apektadong lugar.
ADVERTISEMENT
"Nag 2,400 meters umabot sya pero ngayon later part of the afternoon wala naman nairecord na volcanic earthquake, tremors at hindi na mausok.
Medyo mataas ang usok, nagki-create ng smog ulit, [pero] minimal pa naman, hindi pa naman alarming at nagtatanong-tanong na kami kung ano ang pwde namin mai-support sa kanila," ani Calayan.

Ayon advisory ng Phivolcs, umabot ng 1,200 meters ang taas ng volcanic plume.

Nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

Enero 12, 2020 nang pumutok ang Bulkan Taal kung saan nabalot ng makapal na abo ang maraming bayan sa Batangas , Cavite , Laguna at Metro Manila.

Libu-libong pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ideklarang permanent danger zone ang Taal Volcano Island.

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT