ALAMIN: Mga alert level sa Taal at uri ng pagsabog ng bulkan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga alert level sa Taal at uri ng pagsabog ng bulkan

ABS-CBN News
Published Jan 13, 2020 09:19 AM PHT

MANILA -- Kasalukuyang nasa Alert Level 4 ang Taal Volcano na nagbuga ng abo nitong Linggo.

Libo-libo ang inilikas sa palibot ng bulkan. Umabot naman hanggang sa Metro Manila ang ash fall kaya kinansela ang lahat ng flight mula sa NAIA nitong Lunes.

Sarado rin ang mga tanggapan ng gobyerno at mga korte sa mga apektadong lugar.

Mahalagang maintindihan ang mga alert level sa Taal, maging ang mga uri ng pagsabog ng bulkan, ayon kay Mahar Lagmay, isang geologist.

Tatlo ang uri ng pagsabog ng bulkan: phreatic, phreatomagmatic at magmatic, ani Lagmay.

Ang phreatic ay ang pagbuga lamang aniya ng usok o steam dahil sa nainitang tubig sa bulkan. Walang kasamang magma ang pagsabog na ito.

Magmatic ang pagsabog kung lumabas ang magma mula sa bukana o crater nito, aniya. Lava na ang tawag sa magma kapag lumabas na ito sa bulkan.

Pinakadelikado ang phreatomagmatic na sabay na paglabas ng nainitang tubig at magma, na kadalasang nangyayari sa mga bulkang may lawa, dagdag ni Lagmay.

Lima naman ang alert level sa Taal, pinakababa ang Alert Level 1, habang ang pinakamataas ay Alert Level 5.
Lima naman ang alert level sa Taal, pinakababa ang Alert Level 1, habang ang pinakamataas ay Alert Level 5.
ADVERTISEMENT
Sa ilalim ng Alert Level 1, ang volcanic activity ay malapit sa crater. Ipinagbabawal din ang pagpasok sa permanent danger zone, ayon sa PHIVOLCS.

Ani Lagmay, ito ay isang hudyat ng paparating na pagsabog ng bulkan. May mga pagbuga na rin ng usok.

Sa Alert 2 na alert, may gumagalaw nang magma na maaaring magdulot ng magmatic eruption, ayon sa PHIVOLCS.

Lumalawak sa 5 kilometro mula sa gitna ng bulkan ang mga paglindol, pagsingaw at unti-unting pamamaga ang bulkan dahil sa papaakyat na magma, ani Lagmay.

Sa Alert 3, malapit na sa surface o ibabaw ng lupa ang magma at maaaring pumutok ang bulkan sa loob ng ilang linggo. Maaari ring lakihan ang permanent danger zone sa 8 kilometro na radius mula 5 kilometro, ayon sa PHIVOLCS.

Sa Alert 4, maaari pang lawakan ang danger zone sa 9 kilometro dahil may posibilidad ng "highly hazardous eruption," ayon sa PHIVOLCS.

Inaasahan sa Alert 4 ang mapanganib na pagsabog dulot ng mas paglawak ng saklaw ng aktibong lindol, pagsingaw sa 9 kilometro at mas matinding pamamaga na hudyat ng pagsabog sa loob ng lamang ng 7 araw, sabi ni Lagmay.

Itinataas naman ang Alert 5 sa aktwal na pagsabog ng bulkan at pag-abot na ng magma sa labas ng crater at pagiging lava, ani Lagmay.

Huling naitala ang pinakamalaking pag-alboroto ng bulkan noong Oktubre 3, 1977.

Read More:
Taal Volcano
phreatic
phreatomagmatic
magmatic
alert level
Majar Lagmay
Project Nationwide Operational Assessment of Hazards
NOAH
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT