Taniman ng mais sa Coron, Palawan, inatake ng fall armyworm | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Taniman ng mais sa Coron, Palawan, inatake ng fall armyworm

Rex Ruta,

ABS-CBN News

Clipboard

Inatake ng fall armyworm ang taniman ng mais sa Barangay Delacacho sa Coron sa Palawan. Larawan mula sa Municipal Agriculture Office at Alpha News Philippines

CORON, Palawan - Nasira ang ilang taniman ng mais sa Barangay Delacachao sa Coron matapos atakihin ng pesteng fall armyworms o FAW.

Problemado tuloy ang maraming magsasaka matapos na madiskubre ang kalagayan ng kanilang mga pananim simula pa noong Disyembre.

Ayon sa magsasakang si Zaldy Juan, kinailangan na nilang gumamit ng kemikal para puksain ang peste.

"Mga ilang linggo din kaming hindi nag-spray simula nung pagtanim sa mga mais, pero nung dumami na sila hindi na kaya ng tiris-tiris lang. At hindi rin kaya ng organic na pang-spray, kailangan talaga gamitan ng chemicals,” pahayag ni Juan.

Ikinabahala naman ng Municipal Agriculture Office ng Coron ang sitwasyon ng kanilang mga maisan.

Lalo pa na base sa huling pag-aaral ay hindi kasama ang bayan ng Coron sa mayroong presensiya ng FAW sa 10 probinsya sa Pilipinas na mayroon nang ganitong sakit.

"Dati kasi ang problema natin ay ang mga corn borer lang pero ngayon kasi itong fall armyworm na ang problema ng mga nagmamaisan sa Pilipinas. So, akala natin walang ganito sa Coron," paliwanag ni Municipal Agriculturist Geronimo Gevela.

ADVERTISEMENT

"Bale sa pag-aaral nga, nung nag-ikot kami last Saturday, nakita namin ang mga uod na 'yan, so 'yong ginawa ko ay pinost ko 'yan tapos pinakita ko doon sa UPLB at DA. Ang sabi nila ‘inatake na kayo ng fall armyworm. Present na 'yan sa Coron,” paliwanag ni Municipal Agriculturist Geronimo Gevela.

Sa kasalukuyan, ang paggamit ng chemicals ang nakikitang solusyon ng mga nagsasaka sa pagpuksa sa mga ito dahil hindi na ito kayang puksain ng mga extracted organic pesticides.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.