KILALANIN: Aspin na umaakyat ng Mount Apo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KILALANIN: Aspin na umaakyat ng Mount Apo
Hindi biro ang pag-akyat sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas na Mount Apo, na may taas na 2,954 meters above sea level o halos 10,000 feet.

Bukod sa mahirap ang mga trail, dagdag din sa hamon ng trekking ang pagdaan sa boulder face o malalaking bato, bago marating ang summit.

Pero para sa 4-taong-gulang na babaeng Aspin na si Sara, easy climb ang pag-akyat sa Apo.

Para sa ilan, umaabot sa tatlong araw ang climb, pero kay Sara, minsan ay nakukuha pa niya ang day hike o buong araw na pag-akyat.

Sumasama si Sara sa kanyang amo na isang mountain guide at trail runner na si Arnie Macañeras, taga-Digos City, Davao del Sur.

Ayon kay Macañeras, hindi na niya mabilang kung ilang beses nang sumama si Sara sa kanya.

"Kapag ako po ang naga-guide sa mga bisita, sasama po talaga siya nang 'di po namin pinipilit. Kagustuhan niya lang din po," sabi ni Macañeras sa ABS-CBN News.

Sinisiguro ni Macañeras na may dala siyang pagkain at tubig para sa kanyang alaga. May nadadaanan din silang water source sa trail kaya nakakainom ng tubig si Sara.

Maliksi rin si Sara dahil sumasabay ito sa pagja-jogging kay Macañeras, na isa ring miyembro ng Philippine Team sa Trail Running.

Napansin si Sara kamakailan ng vlogger na si Kyle Jennerman o Kulas na kilala sa vlog nitong Becoming Filipino, nang sumabay sa kanilang Mount Apo hike si Sara.

"She was comfortable, she was strong, and when we came out to the boulder clearing, she looked fresh! It was freaking amazing watching Sara casually navigate giant boulders on the face of Mt. Apo. Not only that, it was so heartwarming observing how she would always stay nearby Kuya Arn'z... I could tell they were a team!" ani Jennerman.