Face masks nilagyan ng SRP | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Face masks nilagyan ng SRP

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 16, 2020 08:27 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagtakda ngayong Huwebes ang Department of Health (DOH) ng suggested retail price (SRP) sa N95 masks at iba pang mga produktong maaaring magsilbing proteksiyon sa mapanganib na abong ibinubuga ng bulkang Taal.

Ito ay matapos matuklasan ng Department of Trade and Industry (DTI) na may mga tindahang nagbebenta ng sobrang mahal na face mask.

Nasa P45 hanggang P105 ang SRP para sa N95 mask, na sinasabing pinakamabisang pamprotekta sa volcanic ash.

Higit P1 hanggang P8 namang ang SRP kada piraso ng ordinaryong surgical mask, at P30 hanggang P55 sa safety goggles na proteksiyon sa mata.

ADVERTISEMENT

Tutulungan ng DTI ang DOH sa pag-monitor ng presyo ng mga mask at iba pang produkto.

Nagkaubusan ng N95 masks sa mga tindahan matapos tumaas ang demand para rito dahil sa pag-alboroto ng bulkang Taal.

Tiniyak naman ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na pananagutin sa batas ang mga mahuhuling nananamantala sa kalamidad para magbenta ng mahal na face masks.

Kasunod din ng paglansag sa mga tindahang nagbebenta ng mahal na face mask, lalong pursigido umano ang DTI na isulong sa Kongreso ang pag-amyenda sa Consumer Act para taasan ang multa ng mga nanamantala kapag may sakuna o kalamidad.

Mula sa kasalukuyang P500 hanggang P1,000 na multa kada paglabag, gusto ng DTI na gawin itong P100,000 hanggang P1 milyon.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.