Pekeng MMDA enforcer, timbog sa QC

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pekeng MMDA enforcer, timbog sa QC

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Sa kulungan ang bagsak ng isang driver matapos mahuli sa aktong nagpapanggap na enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) habang nagtangka pang mangikil sa isang truck driver sa kahabaan ng Katipunan Avenue sa Quezon City, Biyernes ng madaling araw.

May edad na 45-anyos at residente ng Caloocan City ang naarestong suspek.

Ayon sa pulisya, umiikot ang roving team ng MMDA alas-2 ng madaling araw sa nasabing kalsada nang mapansin nila ang suspek na may hinarang na truck.

Nang lapitan ay sinilip agad ang unipormeng suot ng suspek at napansing pekeng version ng MMDA uniform ang gamit nito.

ADVERTISEMENT

Nagduda sila kaya sinilip ang kanilang attendance record kung saan nakitang wala naman ang pangalan ng suspek doon.

Agad nang humingi ng tulong ang MMDA sa mga pulis kaya naaresto ang lalaki habang nakatakas naman ang kaniyang kasamahan.

Giit ng suspek, napag-utusan lamang siya ng isang kaibigan na suotin ang uniporme.

Mahaharap ngayon sa kasong usurpation of authority ang suspek.

Ipinaalala naman ng tagapagsalita ng MMDA na si Assistant Secretary Celine Pialago sa mga motorista na maaaring hingin ang mission order ng enforcer upang matiyak na lehitimo silang MMDA officers.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.