8 nahulog sa hanging bridge habang nanonood ng fluvial parade

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

8 nahulog sa hanging bridge habang nanonood ng fluvial parade

Marty Go,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 19, 2020 08:06 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

KABANKALAN CITY, Negros Occidental — Walong tao ang nahulog sa hanging bridge ng Barangay Camugao dito nitong Linggo ng umaga habang nanonood ng fluvial parade na isinagawa para sa pista ni Sto. Niño.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction Management Office, naputol ang kable ng isang bahagi ng tulay kaya't nahulog ang ilan sa mga residenteng nanonood ng parade sa Hilabangan River.

Apat sa mga nahulog ang menor de edad at isa rito ay sanggol pa lamang.

Masuwerte naman na dumadaan sa ilalim ng tulay ang parada nang mangyari ang insidente kaya't kaagad na nakaresponde ang rescuers.

ADVERTISEMENT

Agad dinala sa pagamutan ang mga biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.