Paano maprotektahan ang anak sa 'panganib' ng internet?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano maprotektahan ang anak sa 'panganib' ng internet?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Laganap na ngayon ang paggamit ng gadgets mapaanong edad, pero lalo na sa mga teenager na mahilig sa social media.

Pero nagbabala ang isang psychologist na mayroon ding panganib na maaaring idulot ang paggamit ng internet.

Ayon kasi kay Michele Alignay, may mga nananamantalang mga tao sa internet na sinusubukang makaakit ng mga kabataan para makuha ang kanilang mga maseselang detalye.

Kadalasang biktima ng ganitong modus ang mga teenager na hindi umano nagagabayan, dagdag niya.

ADVERTISEMENT

"May mga online predators 'yung mata-trap ka na padadalan ng nude photos pero iba-blackmail ka o ransom para hindi ito mailabas online... itong mga ito these are really happening," ani Alignay sa "Sakto" ng DZMM.

Para maiwasan to, mahalagang gabayan daw ang bata sa paggamit ng internet, partikular na sa social media.

Dapat daw ipaintindi sa anak ang mga panganib na maaaring idulot ng paggamit sa social media at internet.

"Huwag nating itago ang mga bagay na ito sa bata... Parents mismo ang dapat mag-explain sa bata ng risks," ani Alignay, na isa ring family life specialist.

Para maiwasan ang mga ganitong situwasyon ay nanawagan si Alignay sa mga magulang na magkaroon ng magandang relasyon sa anak simula pagkabata.

"Maganda dapat 'yung communication ng parents. You bare your truth, you bare your truth all the time," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.