2 nabagsakan ng puno sa Cebu, patay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 nabagsakan ng puno sa Cebu, patay

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang dalawang kabataan matapos mabagsakan ng puno sa Pinamungajan, Cebu nitong Huwebes.

Edad 12 at 15 ang dalawang biktima.

Ayon sa nag-iimbestigang pulis na si Police Sgt. Vincent Alquiza, nagpapahinga sa puno ang mga biktima matapos linisin ang damo sa sakahan nang bumagsak ang puno sa kanila.

Dead on the spot ang dalawa.

ADVERTISEMENT

Agad namang isinugod sa ospital ang kasamahan nilang babae na tinamaan sa likod, habang nakatakbo palayo ang isa nilang kasamahan.

May sira na umano ang loob ng puno, ayon sa mga awtoridad.

May budget na umano ang lokal na pamahalaan para putulin ang puno pero mapanganib umano ito, ayon kay Alquiza.

Sinisilip din ng mga awtoridad ang lakas ng hangin nang mangyari ang insidente. Wala naman daw foul play sa insidente.

-- Ulat ni Annie Perez

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.