Pulis sa GenSan, nanutok ng baril at nanuntok ng sekyu | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis sa GenSan, nanutok ng baril at nanuntok ng sekyu

ABS-CBN News
Published Jan 27, 2018 07:16 PM PHT
|
Updated Jul 26, 2019 04:25 PM PHT

Sinibak sa puwesto ang isang pulis sa General Santos City matapos ireklamo ng panununtok at panunutok ng baril sa isang sekyu.

Nakuhanan pa ng CCTV ang pangyayari kung saan makikita ang lalaki na kinilalang si PO1 Rasel Blabagno Jr. na kinakausap ang guwardiya ng hotel sa General Santos City na si Cris Ugalde.

Bumunot ng baril si Blabagno makalipas ang ilang sandali, kinasa ito, at sinuntok sa tiyan ang sekyu.

Hindi na pinatulan ng sekyu ang pulis pero sinuntok siya ulit.
Hindi na pinatulan ng sekyu ang pulis pero sinuntok siya ulit.
ADVERTISEMENT
Sinundan din ni Blabagno si Ugalde nang umalis ito at dumaan pa ang pulis sa mga kostumer pero tinago na sa likod ang dalang baril.

Nagkagulo naman na nang makitang sinapak ulit ng pulis ang guwadiya.

Pero itinanggi ng pulis ang paratang bagaman nakuhanan ng CCTV ang pangyayari.

"I decline that ma'am, hindi po ako nanutok," aniya.

Nagkaayos na rin aniya sila ng guwardiya at handa siyang harapin ang parusa.
Nagkaayos na rin aniya sila ng guwardiya at handa siyang harapin ang parusa.
ADVERTISEMENT
Dismayado naman si Chief Supt. Marcelo Morales ng Police Regional Office 12 sa inasal ni Blabagno, na miyembro ng mobile patrol unit ng General Santos City Police Office (GSCPO).

"Siya daw ay galing sa loob ng sugalan at naglasing. Nung matalo, paglabas niya ay nakita niya 'yong guwardiya at doon naibuntong 'yung kaniyang galit," ani Morales.

Sinibak na sa pwesto, dinisarmahan at nasa restrictive custody ng GSCPO si Blabagno.

Sinampahan na rin siya ng kasong kriminal at administratibo sa piskalya.

-- Ulat ni Jay Dayupay, ABS-CBN News
Read More:
TV Patrol
Jay Dayupay
pulis
General Santos City
CCTV
krimen
balita
Tagalog news
PatrolPH
TV Patrol Top
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT