Bagong toll collection system sa Skyway, nagdulot ng matinding trapiko | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagong toll collection system sa Skyway, nagdulot ng matinding trapiko
ABS-CBN News
Published Jan 30, 2018 01:39 PM PHT
|
Updated Jan 30, 2018 02:20 PM PHT

Inulan ng reklamo ang Toll Regulatory Board (TRB) kaugnay sa bagong patakarang hinggil sa toll collection na ipinatupad sa elevated Skyway.

Sa panayam ng DZMM kay TRB Spokesperson Eng. Bert Suansing, nakatanggap sila ng maraming reklamo nitong linggo mula sa mga motoristang nanibago sa kanilang patakaran.

“Binuhay natin muli yung toll plaza doon sa may right after flyover papuntang C5. Dati nandoon ang toll plaza natin. Inalis natin, inilagay natin sa may dulo, sa may Alabang,” paliwanag ni Suansing.

Ibinalik muli doon ang toll plaza para maibsan ang tukod na nararanasan ng mga motorista mula sa South kung saan umaabot na umano hanggang Carmona.

“Ang concessionaire natin decided na buhayin muli ang toll plaza doon sa lugar na yun para ma-divide yung queuing,” sabi niya.

— SKYWAY SOMCO (@SkywaySOMCO) January 29, 2018

Sa Twitter ng Skyway management, humingi ito ng pasensiya sa matinding trapiko at pagkalito ng mga motorista sa kanilang bagong sistema.

"Skyway O&M Corporation would like to apologize to the motoring public for the heavy traffic along the elevated expressway brought about by the new system designed to make toll collection, and traffic throughout, more efficient," ayon sa management.

Patuloy umano silang naghahanap ng mga paraan para pagbutihin ang serbisyo para mapabilis ang byahe ng mga motorista.

Samantala, hinihikayat naman ni Suansing ang mga motorista na laging dumadaan sa mga tollway na gumamit na ng RFID card sa halip na cash, para makaiwas sa abala ng mahabang pila at mas mapabilis na transaksiyon sa mga toll booth.

“Ang problema, kahit saang toll plaza, yung cash transaction napakalaki compared to yung electronic toll collection system,” aniya.