Ilan pang OFW sa Kuwait, nagpapasagip sa abuso ng employer
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilan pang OFW sa Kuwait, nagpapasagip sa abuso ng employer
ABS-CBN News
Published Jan 30, 2018 08:09 PM PHT
|
Updated Jul 30, 2019 05:04 PM PHT

Marami pa ring Pinoy household service workers sa Kuwait ang nagpapasagip dahil sa pang-aabuso ng mga employer, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ang ilang nagpapa-rescue, idinadaan na lang sa social media ang panawagan para sa tulong.

Isa na rito ang household service worker na si Lory Baladiang na nanawagan sa video na naka-post sa Facebook group na "Pinoy OFW Pautwasan."

Aniya, iniwanan siya ng kaniyang mga amo at ikinulong sa kanilang bahay.
Aniya, iniwanan siya ng kaniyang mga amo at ikinulong sa kanilang bahay.
ADVERTISEMENT
Apat na buwan na rin umano siyang sinasaktan.

Sa halip din na ang mag-asawang Kuwaiti ang employer niya gaya ng nakasaad sa kontrata, ang mga anak ng mag-asawa ang naging employer ni Baladiang.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, marami pang tulad ni Baladiang na humihiling na matulungan at ma-rescue.

Karaniwang umaabot sa 200 hanggang 300 ang bilang ng mga overseas Filipino worker (OFW) na nasa Philippine Overseas Labor Office (POLO) shelter.

Dagdag ni Cacdac, mayroong 12 naitalang "kuwestiyonableng pagkamatay" ng OFW sa Kuwait noong 2017 na basehan ng suspensiyon ng pagpapadala ng mga bagong OFW sa Kuwait.

Nauna nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte ng total ban at pagpapauwi sa lahat ng OFW sa Kuwait at maging iba pang bahagi ng Middle East kung madadagdagan pa ang mga kaso ng pang-aabuso.

“One more incident about a woman, a Filipina being raped there, I’m going to stop, I’m going to ban," ani Duterte sa isang talumpati bago umalis papuntang India noong Enero 24.

("Isa pang insidente ng Pinay na ginagahasa sa Kuwait at ipatitigil ko na talaga ng pagpapadala ng OFW sa Kuwait.")

“I’m sorry. The Filipinos there, you can all go home. Tutal kapag umalis kayong mga Filipino they will also be having a hell of a time adjusting there,” aniya.

Pero tinututulan ito ng ibang OFW tulad ng mga skilled worker na may magandang karanasan sa pagtatrabaho sa Kuwait.
Pero tinututulan ito ng ibang OFW tulad ng mga skilled worker na may magandang karanasan sa pagtatrabaho sa Kuwait.
ADVERTISEMENT
Para naman sa grupong Migrante, dapat tingnan din ng pamahalaan ang sarili nitong panuntunan pagdating sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga OFW.

Marami kasi sa mga tumatakbo sa Migrante ay hirap daw makakuha ng tulong sa mga embahada.

Nito lang Enero 29, dumagsa sa embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang mga "undocumented" OFW na gusto nang makauwi sa Pilipinas.

Karamihan sa kanila ay mga kasambahay na tumakas sa kanilang mga umano’y mapang-abusong amo.

-- Ulat nina Zen Hernandez at Oman Bañez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
OFW
overseas Filipino Worker
hanapbuhay
trabaho
abroad
overseas
Kuwait
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT