SAPUL SA VIDEO: Babae bistado sa paninikwat ng pitaka ng lola
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SAPUL SA VIDEO: Babae bistado sa paninikwat ng pitaka ng lola
ABS-CBN News
Published Jan 30, 2018 09:06 PM PHT

Nakuhanan sa video kung paano nabisto ang isang babaeng pasahero ng jeep matapos manikwat ng pitaka ng lola sa Bacolod City nitong Enero 29.

Kinuhanan ang video ng isang pasaherong katapat ng lola sa jeep.

Ayon sa kumuha ng video na si Arthur Mendoza, kinutuban na siya sa ginagawa ng babae sa lola kaya niya ito kinuhanan ng video.

Noong una'y panay pa ang paghahanap ng lola sa kaniyang pitaka sa bag pero nang hindi niya ito makita, sinilip niya na ang kaniyang upuan.

Sakto namang nakita ng lola na hawak ng katabing pasahero ang nawawala niyang pitaka.

Noong una'y sinabi pa ng babae na sa kaniya ang wallet pero nang mabisto ang kaniyang ginawa, ibinato ng kawatan ang pitaka ng biktima, sabay baba ng jeep.

Hinabol pa ang babae ng lalaking naka-motorsiklo pero nakatakas ang kawatan.

Ini-upload sa social media ang video para magsilbing babala sa mga pasahero at para makilala ang babaeng nagtangkang tumangay sa pitaka ng lola.

-- Ulat ni Barbara Mijares, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT