Lalaki pinugutan ng ulo, ipinarada sa kalsada sa Tarlac City

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki pinugutan ng ulo, ipinarada sa kalsada sa Tarlac City

ABS-CBN News

Clipboard

Isang lalaki ang pinagtataga ng itak bago pugutan ng ulo ng kapitbahay niya matapos sila umanong mag-away sa bayan ng Tibag, Tarlac City.

Sa isang Facebook video na in-upload ng Taga Tarlac Ka Kung page, makikita ang bangkay ng biktima sa kalsada habang nakahiwalay naman sa di kalayuan ang ulo niya sa Paroba 1, Brgy. Tibag.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya nitong Martes, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng biktima at suspek na nauwi sa batuhan, hanggang sa kumuha na umano ng itak ang suspek at pinagtataga ang biktima.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kuha ng Taga Tarlac Ka Kung FB page

"'Yun pong suspek natin ay mayroon pong diperensya sa isip. Bago po magtanghali, ay parang nagtalo sila nung kapitbahay niya at nagwawala itong suspek at nataga niya sa leeg itong biktima. Nung nataga niya yung ulo niya, kinuha pa, itinakbo sa kalye kung saan patuloy siyang nagwawala sa gitna ng main road natin," ani Pol. Lt. Col. Jake Manguerra, hepe ng Tarlac City Police.

ADVERTISEMENT

Pati mga pulis ay ninais ding uamong tagain ng suspek.

“Nadatnan po natin itong suspek na bitbit po sa kaliwa 'yung ulo ng biktima at isang tabak na nasa kanang kamay naman po niya. Pinapakalma natin ito pero imbes na kumalma po ay itinakbo po niya ito mga kapulisan natin at doon po napilitan na immobilize o barilin po itong paa ng ating suspek," ani Manguerra.

Kaagad inaresto ang suspek at itinakbo sa provincial hospital para maipagamot.

“Nakuhanan din namin ng information na dati pong gumagamit ng droga itong suspek natin," ani Manguerra.

Mahaharap ang 42 anyos na suspek sa kasong murder.

— Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.