'Di wastong paggamit ng internet, nakakaapekto sa kalusugan, mga relasyon' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Di wastong paggamit ng internet, nakakaapekto sa kalusugan, mga relasyon'

ABS-CBN News
Published Feb 03, 2019 08:12 PM PHT

Nawala sa pagiging honor student ang 12 anyos na si Kenneth Luanzon, na isinisi nila ng kaniyang pamilya sa pagbababad sa mobile games.

Namayat na rin si Kenneth dahil hindi na nagagawang kumain sa tamang oras dahil sa kakalaro sa cellphone.

"Minsan po di ko na po nagagawa assignments ko," ani Kenneth.

"Naging tamad na rin siya sa pagkilos sa bahay... Umabot na nga na nawala 'yong WiFi namin, pinaputol ko," sabi naman ni Renato Luanzon, ama ni Kenneth.

Nais naman ng mag-asawang Ryan at Caren Ong na sanayin ang mga magiging anak sa wastong paggamit ng gadgets at social media.

"My husband is very techy... We're not as strict but we understand na kapag mag-uusap kami, no phones," ani Ong.

Ayon sa psychologist na si Michele Alignay, kung hindi alam ang wastong paggamit ng social media, nakakasira na rin ito sa kalusugan at totoong relasyon sa mga mahal sa buhay.

"In real life, you're no longer connected so it's becoming detrimental," ani Alignay.

"You miss out on the real life moments," dagdag ni Alignay.
"You miss out on the real life moments," dagdag ni Alignay.
ADVERTISEMENT
Ilang pag-aaral din daw ang nagsabing maaaring magdulot ng masamang epekto sa pag-iisip ang pagbabad sa internet gaming.

"Electronic heroine. It has the same effect as probable addiction to substance. There's this element of excitement, element of suspense," ani Alignay.

Kaya ipinapyo ni Alignay sa mga magulang na ipaliwanag nang mabuti sa mga anak ang hindi magandang epekto ng internet at social media.

--Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
kalusugan
Internet
gaming
social media
addiction
TV Patrol
Angel Movido
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT