Taal, Batangas nag-simulation ng pagbabakuna kontra COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Taal, Batangas nag-simulation ng pagbabakuna kontra COVID-19

ABS-CBN News

Clipboard

Nagdaos nitong Pebrero 3, 2021 ng simulation exercise sa Taal, Batangas para sa COVID-19 vaccination program ng bayan. Dennis Datu, ABS-CBN News

Nagdaos ngayong Miyerkoles ng simulation exercise ang mga taga-Taal, Batangas bilang paghahanda sa nalalapit na pagbabakuna kontra COVID-19 sa bayan.

Ang Taal, isang third-class municipality, ang kauna-unahang local government unit sa Batangas at buong Calabarzon region na nagsagawa ng simulation para sa COVID-19 vaccination program.

Nasa 70 residente ang boluntaryong lumahok sa dry run, na sinundan ng ambulansiya mula sa kanilang mga barangay papunta sa Taal Convention Center, ang napiling vaccination hub.

Pagdating sa venue, inalam muna ang body temperature ng mga lumahok bago sila isinailalim sa screening ng vital signs.

ADVERTISEMENT

Tiningnan din muna kung may medical history ang magpapabakuna at kapag pinayagan na, saka lang isasagawa ang mismong pagbabakuna.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Matapos mabakunahan, oobserbahan muna ang pasyente nang 30 minuto. Kung wala naman magiging problema, pauuwiin na ang nabakunahan.

Sakali namang makaramdam ng side effects, may ambulansiyang naka-standby sa vaccination hub para dalhin ang pasyente sa ospital.

Nasa 40,000 dose ng AstraZeneca vaccine ang target bilhin ng lokal na pamahalaan, ani Taal Mayor Fulgencio Mercado.

Pero naghihintay din umano ang lokal na pamahalaan ng bakunang manggagaling sa national government.

ADVERTISEMENT

Naka-ready na rin daw ang freezer na pag-iimbakan ng mga bakuna.

Ayon kay Police Col. Rex Malimban, Batangas police director, magtatalaga sila ng mga pulis para bantayan ang mga bakuna.

Katuwang ng Taal local government sa pagbabakuna ang higit 100 doktor ng Taal-Lemery Medical Society.

Kayang mabakunahan umano ng Taal ang 500 hanggang 1,000 residente kada araw.

Wala umanong sapilitan sa pagbabakuna.

ADVERTISEMENT

Ang mga nais magpabakuna ay maaaring magparehistro sa Facebook page na "Bakuna - Taal / Balik Normal."

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.