3 sasakyang pandagat mula China, di pinayagang makadaong sa Dumaguete

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

3 sasakyang pandagat mula China, di pinayagang makadaong sa Dumaguete

Marty Go,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 05, 2020 12:22 PM PHT

Clipboard

Hindi pinayagang makadaong sa pantalan ng Dumaguete City sa Negros Oriental ang isang tugboat at 2 barge na mula pa sa bansang China dahil sa banta ng pagkalat ng novel coronavirus o 2019-nCoV.

Ayon sa Bureau of Customs at Philippine Coast Guard, dumating sa Dumaguete City ang mga sasakyang pandagat Martes ng hapon pero hindi pinababa ang 11 Pilipinong crew members nito dahil kailangan pa silang sumailalim sa 14-day quarantine period.

Hinihintay pa ang quarantine officer at ilang miyembro ng coast guard para puntahan ang nasabing mga sea vessels para matingnan ang kondisyon at masimulan ang quarantine ng mga Pinoy.

Ang crew members ang pumunta ng China para bilhin ang sea vessels na ito.

ADVERTISEMENT

Sinabi naman ni Dumaguete Mayor Felipe Remollo na hindi niya papayagan na bumaba sa port ang mga crew at dumiretso sa Leyte na kanilang port of destination.

Samantala, pinaigting ngayon ng Port Administration ang pag-scan ng body temperature ng lahat ng mga dumadating na pasahero sa port para masigurong wala silang lagnat at iba pang nararamdaman na sakit. Ito ay precautionary measures sa gitna ng pangamba na mahawaan ng novel corona virus-acute respiratory disease.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.