Umano'y holdaper, patay sa engkuwentro sa Quezon City

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Umano'y holdaper, patay sa engkuwentro sa Quezon City

Karen de Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakuhanan ng CCTV footage ang umano
Nakuhanan ng CCTV footage ang umano'y panghoholdap ng isang lalaki sa bakery sa Quezon City. ABS-CBN News

Napatay ngayong Linggo ang isang lalaking sinasabing nangholdap ng bakery sa Quezon City matapos umanong manlaban sa mga pulis na aaresto sana sa kaniya.

Nakuhanan pa ng CCTV footage ang lalaki na pumasok sa bakery sa Barangay Culiat at tinutukan ng kutsilyo ang kahera ng establisimyento.

Tinangay umano ng suspek ang nasa P6,000 sa kaha ng bakery saka tumakas.

Natunton umano ng mga pulis ang suspek pasado alas-5 ng madaling araw sa parehong barangay.

ADVERTISEMENT

Habang kinukuhanan ng detalye ang suspek, bigla itong nang-agaw ng baril saka nanlaban sa mga awtoridad, ayon sa pulisya.

Agad gumanti ng putok ng baril ang mga pulis laban sa suspek, na ikinamatay nito.

Isinugod pa sa ospital ang suspek, na idineklarang dead on arrival.

Ayon kay Quezon City Police District Director Brig. Gen. Nicolas Torre, iimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang insidente dahil standard procedure ito kapag may pulis na dawit sa pamamaril.

Kasunod ng insidente, lumantad pa sa Culiat Police Station ang iba pang biktima ng suspek, na dawit umano sa ibang insidente ng pagnanakaw sa lugar.

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.