3 bombero, arestado sa entrapment operation sa Navotas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 bombero, arestado sa entrapment operation sa Navotas

3 bombero, arestado sa entrapment operation sa Navotas

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 07, 2020 06:41 AM PHT

Clipboard

Sa kulungan ang bagsak ng tatlong tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos mahuli sa isang entrapment operation sa Barangay San Rafael Village, Navotas.

Ayon kay Police Col. Rolando Balasabas, hepe ng Navotas Police, timbog ang isang lalaking Senior Fire Officer 2, at dalawang Fire Officer 1 na pawang mga nakaistasyon sa naturang siyudad.

Unang dumulog sa mga pulis ang biktima si Jessie Que, 67 anyos. Nitong Pebrero 1, nasunog ang garahe nang tinitirhang niyang bahay na agad nirespondehan ng mga bombero.

Kahit halos isang linggo na ang nakalipas ay hindi pa rin siya binibigyan ng recovery permit at incident report sa nangyaring sunog.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Balasabas, humihingi ang mga suspek ng P100,000 kapalit ng mga permit na hinihingi ng biktima.

Sa impormasyon na ito, nagkasa ng entrapment operation kahapon ang mga pulis kung saan nakipagtransksayon ang biktima sa mga suspek at nakiusap na magbigay muna siya ng P10,000.

Nang magpositibo ang transaksyon ay doon na inaresto ang mga suspek na ngayo'y mahaharap sa kasong robbery extortion.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.