NFA sa Palawan, wala nang buffer stock ng bigas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

NFA sa Palawan, wala nang buffer stock ng bigas

NFA sa Palawan, wala nang buffer stock ng bigas

Diana Lat,

ABS-CBN News

Clipboard

Kinakailangan ng 25,000 sako ng bigas ng NFA Palawan hanggang Hunyo para makapagbenta muli ng bigas sa mga outlet. Diana Lat, ABS-CBN News

Itinigil na ng National Food Authority (NFA) sa Palawan ang pagsu-suplay ng bigas sa mga outlet sa lalawigan.

Ito ay dahil 11,000 na sako na lang ang natitirang stock ng NFA sa buong lalawigan na itinabi na para sa oras ng kalamidad.

Bumaba ang suplay ng NFA rice sa lalawigan dahil sa magkakasunod na bagyong dumaan noong Disyembre at Enero.

Upang muling makapagbenta sa mga NFA outlet, 25,000 na sako ang kinakailangang mapunan ng NFA Palawan hanggang sa Hunyo.

ADVERTISEMENT

Bagama’t may sapat pang NFA rice sa Palawan, wala nang buffer stock o sobrang suplay dahil hindi pa nakapag-import ng bigas ang NFA council at kaunti rin ang mga magsasakang nagbebenta ng bigas sa ahensiya.

Mababa kasi ang bili ng NFA sa mga magsasaka na aabot lang sa P17 kada kilo kumpara sa P22 kada kilo o higit na bili ng traders.

Samantala, patuloy ang pagsu-suplay ng NFA rice sa island municipalities ng northern Palawan dahil sa kakulangan ng stock ng bigas dito.

Inaanyayahan naman ng NFA ang mga magsasaka na ibenta sa ahensiya ang kanilang mga bigas para madagdagan ang suplay na maaaring ibenta ng mura.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.