'Killer maid' ng Baguio arestado makalipas ang 2 taon

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

'Killer maid' ng Baguio arestado makalipas ang 2 taon

ABS-CBN News

Clipboard

Bukod sa mga pagnanakaw, pinaslang din umano ng suspek ang anak ng kaniyang amo na nakahuli sa kaniyang pagtangay ng mga gamit. Screengrab

Makalipas ang dalawang taong pagtatago, naaresto na ng mga awtoridad ang tinaguriang "killer maid" at most wanted ng Baguio City.

Kinilala ang suspek na si Marites Judan, na modus umano ang magpalipat-lipat ng pinapasukang bahay para magnakaw.

"After na i-profile niya 'yung may-ari ng bahay, ginagawa niya na 'yung pagnanakaw kung saan kinukuha 'yung valuable items at pera at saka aalis," ani Superintendent Johnson Smith Abellera, hepe ng investigation division ng Baguio City Police Office (BCPO).

Taong 2016, naging suspek din si Judan sa pagpatay sa 15 taong gulang na si Allery Wagayen, na anak ng kaniyang amo.

ADVERTISEMENT

Natagpuan si Wagayen na nakahandusay na lang sa loob ng banyo ng kanilang bahay at tadtad ng saksak.

Sa imbestigasyon, lumalabas na nahuli ng bata ang pagnanakaw ni Judan kaya pinaslang ito para hindi makapagsumbong.

Humingi naman ng tawad ang kasambahay at sinabing hindi nito sinasadya ang pagpatay sa dalagita.

"Sa pamilya Wagayen, sana po mapatawad niyo ako sa ginawa ko. Dahil hindi ko po sinasadya 'yung ginawa ko sa anak niyo, sir... Sa mga pinasukan ko po sana mapatawad niyo po ako," anang suspek.

Nagawa lamang daw niya ang mga krimen dahil sa wala siyang pambayad ng renta at iba pang gastusin.

ADVERTISEMENT

Tila nabunutan naman ng tinik ang pamilya Wagayen sa pagkakahuli sa suspek pero hindi anila mapapatawad ang ginawa ng dating kasambahay.

Bukod sa kasong robbery with homicide sa Baguio, nahaharap din sa patong-patong na kaso ng pagnanakaw si Judan.

Nasa kustodiya siya ngayon ng Baguio City Jail.

Inaanyayahan ng BCPO ang mga dating nabiktima ni Judan na dumulog sa kanilang tanggapan para magsampa ng pormal na reklamo.


—Ulat ni Justin Aguilar, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.