Barracks ng construction workers, nasunog

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barracks ng construction workers, nasunog

Cherry Palma,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 04, 2018 10:56 PM PHT

Clipboard

Natupok ng apoy ang barracks na tinutuluyan ng may 100 construction workers sa Mandurriao, Iloilo, Biyernes ng umaga, Pebrero 9, 2018. Cherry Palma, ABS-CBN News

Tinatayang mahigit P100,000 ang pinsalang naidulot ng sunog na tumupok sa barracks sa Mandurriao, Iloilo, Biyernes ng umaga.

Nasa 100 construction workers ang pansamantalang nakatira sa naturang barracks habang nagtatrabaho sa isang construction site sa lugar.

Nanghihinayang naman ang mga ito dahil ang ilang mga personal IDs, ATMs, damit at pagkain sana para sa kanilang mga pamilya ang nakasama sa mga nasunog.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa gawa lamang sa light materials ang kanilang barracks.

ADVERTISEMENT

Agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection kaya hindi na kumalat pa sa katabi nitong establisyimento ang apoy.

Iniimbestigahan pa ng BFP ang pinagmulan ng apoy habang wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.