Warehouse sa Laguna nasunog

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Warehouse sa Laguna nasunog

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 09, 2021 03:12 PM PHT

Clipboard

(UPDATE) Nasunog ang isang warehouse ng mga kahoy sa San Pedro City, Laguna nitong Martes, ayon sa mga awtoridad.

Ayon kay Chief Inspector Jude Sumeg-Ang, fire chief ng San Pedro Fire Station, bandang ala-1:45 ng madaling araw nang matanggap nila ang tawag hinggil sa sunog sa warehouse sa Barangay San Antonio.

Umabot hanggang ika-4 na alarm ang sunog bago idineklarang kontrolado bandang alas-8 ng umaga.

Walang naiulat na nasaktan.

ADVERTISEMENT

Higit 35 firetrucks mula Laguna, Cavite at Metro Manila ang rumesponde para apulain ang sunog.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, napansin ng mga trabahador na biglang may nag-spark na electrical wire malapit sa tambak ng mga kusot at kasunod nito ay mabilis na lumaki ang apoy.

Naging problema rin ang supply ng tubig dahil sa layo ng bodega.

Hindi naman nadamay ang mga kalapit na bahay dahil may perimeter fence.

-- Ulat nina Dennis Datu at Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.