5 'snatcher' tiklo sa Sampaloc
5 'snatcher' tiklo sa Sampaloc
ABS-CBN News
Published Feb 12, 2019 04:54 AM PHT
MAYNILA - Arestado Lunes ng gabi ang 5 lalaki matapos umanong magnakaw ng cellphone ng isang estudyante sa Sampaloc, Maynila.
Base sa imbestigasyon, nag-aantay ng jeep sa Mendoza St. ang biktima nang nakawin ang kaniyang cellphone.
Napasigaw ang biktima kaya naalerto ang mga pulis at nahuli ang mga suspek.
Ayon kay PO1 Genevieve Evangelista ng Manila Police District (MPD) Station 4, modus operandi ng mga suspek ay ipitin ang kanilang biktima. Kabilang sa mga nahuli ay 4 na menor de edad.
ADVERTISEMENT
Kuwento ng lider ng grupo na 20 anyos, niyaya niya ang mga binatilyo na magnakaw. Aminado siyang ilang buwan na niya itong ginagawa sa Sampaloc at maging sa Quezon City.
Nakakulong ang 20 anyos na suspek sa MPD Station 4, habang dadalhin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 4 na binatilyo. - ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT


