Historyador nilinaw ang kahulugan ng 'maharlika'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Historyador nilinaw ang kahulugan ng 'maharlika'

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 13, 2019 08:09 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Taliwas sa paniniwala ng ilan, hindi nangangahulugang "noble" o taong may mataas na antas sa lipunan ang salitang "maharlika," ayon sa isang historyador.

Ito ay matapos mabanggit noong Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ideya ng pagpalit ng pangalan ng bansa sa "Maharlika" mula Pilipinas.

Ayon kay Rolando Borrinaga, isang historyador mula sa National Commission for Culture and the Arts, "malayong tao" o "free man" ang tunay na kahulugan ng salitang "maharlika."

"Akala nila royal, elite o aristocrat," sabi ngayong Miyerkoles ni Borrinaga sa panayam ng radyo DZMM.

ADVERTISEMENT

Sa isang talumpati sa Maguindanao, sinabi ni Duterte na tila magandang palitan ng "Maharlika" ang pangalan ng bansa.

Mas angkop daw ito sa pagkakakilanlang "Malay" ng mga Pinoy sa halip na Pilipinas o the Philippines na ibinigay ng mga Kastila.

Pero ayon kay Borrinaga, hindi rin Malay ang "Maharlika" kundi Sanskrit o wika ng mga taga-India.

"Sabi ni presidente, Malay word daw 'yong Maharlika, hindi. Sanskrit 'yon," ani Borrinaga.

"Ang pinakamalapit na Malayan word, 'timawa.' So magiging Republika ng Timawa tayo," dagdag ni Borrinaga.

Ang "timawa," ayon kay Borrinaga, ay tumutukoy sa mga malayang tao na dating mga alipin.

Hindi rin daw lumalahok sa politika ang mga maharlika, hindi gaya ng mga datu o pangkat ng mga pinuno sa sinaunang lipunan, ani Borrinaga. -- May ulat ni Jorge Cariño, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.