ALAMIN: Bakit kontrobersiyal ang kasong cyber libel
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Bakit kontrobersiyal ang kasong cyber libel
ABS-CBN News
Published Feb 14, 2019 10:08 PM PHT

Reklamong cyber libel ang naging basehan sa pag-aresto nitong Miyerkoles kay Rappler news website CEO Maria Ressa kaugnay sa kanilang artikulo na inilathala noon pang 2012.

Taong 2012 nang maisabatas ang Republic Act No. 10175 o Cyber crime Prevention Act kung saan nakapaloob ang cyber libel.

Pinaparusahan nito ang paglathala ng mapanirang pahayag o akusasyon gamit ang computer at ibang kahalintuhad na device gaya ng cellphone.

Ibig sabihin, pati mga post sa social media at mga blog, kasali sa puwedeng makasuhan.
Ibig sabihin, pati mga post sa social media at mga blog, kasali sa puwedeng makasuhan.
ADVERTISEMENT
Mas mabigat ang parusa rito kumpara sa orihinal na libel dahil aabot ito sa walong taong pagkakakulong.

Ayon sa dating pinuno ng Department of Justice (DOJ) cyber crime office na isa sa may akda ng batas, mas mabigat ang parusa dahil sa lawak ng naaabot ng internet.

"[Ang] reach kasi tapos pag nandiyan na, mahirap nang tanggalin. Once it's there, there's a form of permanence," ani dating DOJ assistant secretary Atty. Geronimo Sy.

Naging kontrobersiyal ang batas dahil sa unang bersiyon nito, maging ang mga magre-react o magla-like ng isang libelous na post sa social media ay kasama rin sa puwedeng makulong.

Kaya kahit naisabatas ito noong 2012, hindi agad ito naipatupad dahil kinuwestiyon ang legalidad nito sa Korte Suprema.

Pebrero 2014 nang ideklara ng Korte Suprema na constitutional ang batas pero tinanggal ang probisyong nagpaparusa sa mga "likers."

Sa parehong desisyon din ng Supreme Court, hindi puwedeng parehong ikaso ang cyber libel at libel laban sa parehong aksiyon.

Pero ang hindi nilinaw ng 2014 SC decision ay kung hanggang kailan puwede magsampa ng kaso mula sa araw ng paglathala ng isang hinihinalang libelous post.

Sa libel kasi, maaaring magsampa ng kaso sa loob lang ng isang taon matapos mailathala ang mapanirang pahayag.

Pero sa inilabas na resolusyon ng DOJ nitong Pebrero para sa indictment ni Ressa, 12 taon umano ang prescriptive period ng cyber libel at hindi pareho ng orihinal na libel.

Pero mariin itong kinontra ng kampo ni Ressa.

"It's the same crime under the revised penal code except that the means, the way you violate it...is by ICT (Information and Communications Technology)... My view is that the prescriptive period is one year from publication," ani Atty. Jose Jesus Disini.

Babala pa ni Disini, kung kakatigan ng korte ang panig ng DOJ, maraming media practitioners, bloggers, at social media users ang maaaring masampahan ng kaso kahit may ilang taon na ang kanilang posts.

Nitong Huwebes, pansamantalang nakalaya si Ressa matapos magpiyansa sa Manila Regional Trial Court Branch 46.

Naninindigan si Ressa na ang pagdampot sa kaniya ay isang organisadong panggigipit ng pamahalaan upang "patahimikin" ang kaniyang organisasyon sa pagbabalita ukol sa administrasyon.

Hindi itinatago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkabanas sa Rappler dahil sa umano'y "pekeng balita."

—Ulat ni Mike Navallo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
krimen
cyber liberl
libel
DOJ
Cybercrime Prevention Act
Department of Justice
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT