Renewal ng rehistro ng sasakyan, pwede na online

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Renewal ng rehistro ng sasakyan, pwede na online

Lady Vicencio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 15, 2023 01:47 PM PHT

Clipboard

ABS-CBN News/Ffile
Trapiko sa C5 road sa Pasig City, Enero 23, 2023. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/Ffile

MANILA — Inilunsad ng Land Transportation Office (LTO) ang online renewal ng rehistro ng mga pribadong sasakyan.

Para sa mga plain renewal, maaari na itong gawin gamit ang Land Transportation Management System Portal.

Matapos dumaan sa Private Motor Vehicle Inspection Center ang sasakyan, ita-transmit na nito ang resulta sa database ng LTO at maaari nang irehistro ang sasakyan online nang hindi pumupunta sa mga opisina ng ahensiya.

Watch more News on iWantTFC

“Aside from de-clogging our offices, hindi na pupunta ang mga tao sa opisina natin, pinapadali natin ‘yong proseso ng pag-transact with LTO. Sana hindi na rin natin kailangan ng mga fixer. Isa rin po ito sa paraan para ma-eliminate ang fixers,” ani LTO chief Jay Art Tugade.

ADVERTISEMENT

Pabor ito sa mga tulad ni Mabeth Lajarca na dumadayo pa sa Quezon City mula Pateros para magparehistro ng sasakyan.

“Ang layo ko. ‘Yong biyahe ko tsaka sana pahinga ko na kasi panggabi ako,” ayon kay Lajarca.

Pero may ilang mga motoristang mahihirapan umano sa online na sistema ng pagrerehistro.

“Mas okay ako sa pupunta sa mismong office. Pagka-online mahirap. Minsan din offline,” ayon sa motoristang is Emilio Osares.

Ayon sa LTO, hindi pa naman mandatory ang online renewal pero hinihikayat nila ang mga motorista na gamitin ito para sa pagbuo ng bagong online database ng ahensiya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.