Mga simbahan naglatag ng health protocols para sa Ash Wednesday | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga simbahan naglatag ng health protocols para sa Ash Wednesday
ABS-CBN News
Published Feb 16, 2021 12:38 PM PHT
|
Updated Feb 16, 2021 08:00 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) — Naglatag ng health protocols kontra COVID-19 ang mga simbahan para sa paggunita ng Ash Wednesday, na hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma para sa mga Katoliko.

Sa Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa Maynila, nasa 500 tao ang papapasukin sa loob ng simbahan kada misa ngayong pinapayagan na ang 50-percent capacity ng maaaring makapasok.

May markers naman sa gilid ng Quezon Boulevard, Carriedo, at Plaza Miranda para sa mga dadalo ng misa na hindi makapapasok ng simbahan.

Mahigpit ding ipatutupad ang hiwalay na entry at exit points sa Plaza Miranda.
Mahigpit ding ipatutupad ang hiwalay na entry at exit points sa Plaza Miranda.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Manila police, magdaragdag sila ng mga tropa sa lugar para matiyak ang kaligtasan ng mga magsisimba.

Inaasahan naman na aabot ulit sa labas ng simbahan ang dami ng mga taong magsisimba sa Santo Domingo Church sa Quezon City.

Pero tiniyak ng pamunuan ng simbahan na masusunod pa rin ang health protocols.

Puwede umanong ibudbod ang abo sa ulo o ipahid sa noo gamit ang bulak.

May 11 misa sa Quiapo Church sa Miyerkoles.
May 11 misa sa Quiapo Church sa Miyerkoles.
ADVERTISEMENT
Sa Santo Domingo, may misa ng alas-6:45 at alas-8 ng umaga, alas-12:15 ng tanghali, at alas-6 ng gabi.

Maaari ring mapanood online ang misa sa parehong simbahan.

Nauna na ring naglabas ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ng mga alituntunin sa paggunita ng Ash Wednesday sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa CBCP, sa halip na ipahid sa noo ang abo, puwede itong ibudbod na lang sa ulo.

Kung ipapahid man sa noo, kailangang gumamit ang minister ng bulak na isang beses lang gagamitin.
Kung ipapahid man sa noo, kailangang gumamit ang minister ng bulak na isang beses lang gagamitin.
ADVERTISEMENT
Kung hindi sapat ang palaspas, maaaring sunugin ang ibang uri ng dahon o tangkay.

Pinapayagan ding mag-uwi ng abo na nakalagay sa plastic sachet para maipahid sa ibang miyembro ng pamilya na hindi pisikal na nakadalo sa misa.

-- Ulat nina Jekki Pascual, Jervis Manahan, at Willard Cheng, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
religion
Catholicism
Catholic Church
Ash Wednesday
Quiapo Church
Santo Domingo Church
health protocols
Ash Wednesday health protocols
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT