Task group binuo sa pag-imbestiga sa barilan sa EDSA

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Task group binuo sa pag-imbestiga sa barilan sa EDSA

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 18, 2019 09:26 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isang task group ang binuo ng mga awtoridad para mag-imbestiga sa insidente ng pamamaril sa EDSA, na ikinasawi ng isang negosyante at ng driver nito, sabi ngayong Lunes ng hepe ng Mandaluyong police.

Sakay ng isang van sa may EDSA-Reliance noong Linggo ang negosyanteng si Jose Luis Yulo, 62, at ang kaniyang driver na si Allan Nomer Santos nang pagbabarilin sila ng mga nakamotorsiklong salarin.

Nilinaw ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar na kapangalan lang ng biktima si Chamber of Commerce of the Philippine Islands President Jose Luis U. Yulo Jr.

Nasugatan naman sa insidente ang kasamahan ng mga nasawi na si Esmeralda Ignacio, isang 38 anyos na stock broker.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Mandaluyong police chief Senior Superintendent Moises Villaceran, wala pa silang impormasyong makatutulong sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga namaril subalit tinitingnan na ng Special Investigation Task Group "Yulo" ang background ng mga biktima.

“We also (investigate the) background of the three victims, kung ano'ng story nila, may pending case o threat,” sabi ni Villaceran.

Tinitingnan na rin daw ng task group ang mga kuha ng closed-circuit television (CCTV) sa insidente.

Negosyo ni Yulo ang isa sa mga nakikitang motibo sa pamamaslang, ani Villaceran.

"Engaged siya sa dealing ng firearms... accessory ng firearms at sa automotive. Meron siya sa Canlubang, sa real estate din," sabi ng pulisya.

May narekober din daw na mga baril at bala mula kina Yulo.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang kaanak ng mga biktima.

-- Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.