Mga doktor, nanawagan sa gobyerno para sa libreng mask kontra polusyon

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

Mga doktor, nanawagan sa gobyerno para sa libreng mask kontra polusyon

Kori Quintos,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA — Iminumungkahi ng grupo ng mga cardiologist na magsuot ng mask sa mga lugar na may mataas na polusyon sa hangin kabilang na ang mga lugar na palaging dinaraanan ng mga sasakyan tulad ng EDSA.

Ayon kay Dr. Jorge Sison, chairman ng mga cardiologists sa Manila Medical Center, maaaring magkaroon ng mga problema sa puso dahil sa polusyon sa hangin.

Maging ang stroke at high blood ay pwede ring maging epekto ng polusyon sa hangin, aniya.

Makikipag-ugnayan daw ang grupo sa Department of Health para kumbinsihin ang gobyerno na mamigay ng libreng mask para sa publiko dahil hindi naman lahat ay kayang bumili nito.

ADVERTISEMENT

Kung wala naman daw mask, maaaring gumamit muna ng panyo bilang pantakip.

Ngunit paalala ng mga eksperto, ito ay agarang solusyon lamang sa problema at kailangan pa rin ng maayos na pagpapatupad ng Clean Air Act.

Kung ihahalintulad naman sa ginagawa ng France, dapat din daw na ayusin ng gobyerno ang railway system sa bansa para makumbinsi na huwag nang mag-bus.

Ayon kay Dr. Sison, sa tala raw ng Department of Environment and Natural Resources, may 120 micrograms per cubic meter na amount ng polusyon sa hangin ng Metro Manila.

Ito ay 30 micrograms na mataas sa standard safe level. Ibig sabihin, mas madali na magkaroon ng mga sakit dahil hindi na kaya ng katawan na i-contain ang dami ng polusyon na nalalanghap araw-araw.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.