GMRC bilang 'core subject' isinusulong dahil sa dami ng bullying incident

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

GMRC bilang 'core subject' isinusulong dahil sa dami ng bullying incident

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Isinusulong ngayon ng Department of Education (DepEd) na gawing "core subject" sa mga paaralan ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa mga paaralan, kasunod ng pagdami ng insidente ng bullying na napapaulat.

"This is also included in our review of the K-12 curriculum and the secretary (Leonor Briones) herself is pushing for the GMRC,” ani Education spokesperson Anna Sevilla.

Sa datos ng DepEd Child Protection noong taong 2016 hanggang 2017, nasa higit 22,000 ang naitalang kaso ng bullying kasama na ang pisikal na pananakit.

Aminado rin ang ahensiya na dumami ang napapaulat na insidente dahil mas madali nang naidodokumento ang mga insidente dulot ng makabagong teknolohiya.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Sevilla, iniimbestigahan na nila ang ilang insidenteng kumalat kamakailan sa social media - partikular na ang mga sakitan ng kabataan.

Maaaring ma-suspend o isailalim sa exclusion o expulsion ang mga estudyanteng mapapatunayang sangkot sa insidente ng bullying, ayon kay Sevilla.

"There is already a protocol. Zero tolerance ang DepEd, ang eskuwelahan, whether public or private for any form of discrimination, abuse lalo na kung violence, ay hindi po talaga natin palalampasin ‘yan,” ani Sevilla.

Ayon pa sa DepEd, mahalaga ang pakikipag-ugnayan nila at dapat anilang seryosohin ang responsibilidad sa parents and teachers' association para mabantayan ang kaso ng bullying sa eskuwelahan.

—Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.