Biyahe ng barge papuntang Camiguin sinuspende dahil sa Auring

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Biyahe ng barge papuntang Camiguin sinuspende dahil sa Auring

PJ dela Peña

Clipboard

Nagsimula Biyernes ng tanghali ang pagsuspende ng Philippine Coast Guard District Northern Mindanao sa mga biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Misamis Oriental at Misamis Occidental dahil sa parating na bagyo. Handout

Stranded ang mga sakay ng mga cargo truck sa Balingoan seaport, bayan ng Balingoan, Misamis Oriental, matapos suspendihin ang biyahe ng mga barge na patawid ng Camiguin.

Ang mga cargo truck ang magdadala ng mga produkto tungo sa isla.

Limang biyahe kada araw ang apektado sa suspensyon. Malapit ang Northern Mindanao sa landfall area ng Bagyong Auring.

Nagsimula Biyernes ng tanghali ang pagsuspende ng Philippine Coast Guard District Northern Mindanao sa mga biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Misamis Oriental at Misamis Occidental dahil sa parating na bagyo.

ADVERTISEMENT

Doble na ang pagkakatali sa mga barge para ma-secure sa pantalan.

Ang mga mangingisda rin ay naghahanda sa masamang panahon.

Nang ipost ang artikulong ito, nakararanas ng maulap na kalangitan at maalong dagat ang Northern Mindanao dahil sa Auring.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.