Malaking bahagi ng Tandag City binaha dahil sa Bagyong Auring | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Malaking bahagi ng Tandag City binaha dahil sa Bagyong Auring
ABS-CBN News
Published Feb 21, 2021 01:57 PM PHT
|
Updated Feb 21, 2021 05:53 PM PHT

(UPDATE) Nalubog sa baha ngayong Linggo ang malaking bahagi ng Tandag City sa Surigao del Sur bunsod ng walang tigil na pag-ulan dala ng Bagyong Auring.

Naglabas ang provincial government ng Surigao del Sur ng aerial footage kung saan makikitang lubog sa baha ang maraming lugar sa lungsod.

Ayon kay Governor Alexander Pimentel, tuloy-tuloy ang paglikas ng mga residente at pagbabantay sa mga komunidad na maaaring maapektuhan ng matinding pagbaha.

"May binabantayan kami ngayon, mga internal barangays kasi iyan binabaha," ani Pimentel.
"May binabantayan kami ngayon, mga internal barangays kasi iyan binabaha," ani Pimentel.
ADVERTISEMENT
Nabigyan na rin ng mga pagkain ang mga nasa evacuation center.

Nakuhanan din ng video ng isang residente ang pagtangay ng baha sa isang bahay sa may Dawis, Tandag City.

Sa bayan ng Marihatag, nahirapan naman ang mga sasakyan ng sundalo na dumaan sa mga kalsada dahil sa baha.

Tutulong sana ang mga sundalo sa rescue operations sa ibang bahagi ng lalawigan.

Sa Lanuza, nagsagawa ng clearing operation ang Department of Public Works and Highways sa kalsada papuntang Tandag City dahil sa landslide.

Sa Madrid, halos umapaw ang tubig sa ilog ng Carac-an at Piagawan River sa kalsada.

May ilang barangay road na rin na hindi madaanan dahil sa pag-apaw ng baha, at may ilang residenteng ayaw pa ring lumikas.

Umapaw na rin ang baha sa kalsada sa Barangay Cuyago sa bayan ng Jabonga, Agusan del Norte nitong umaga ng Linggo.

Gumuho din ang lupa sa may Barangay Baleguian.

Sa Misamis Oriental, tinangay ng malakas na agos ng tubig si Julius Bajao, 40 taong gulang, nang pinilit nitong tumawid sa sapa sa bayan ng Medina noong gabi ng Biyernes.

Kahit maalon dahil sa Bagyong Auring, ikinasa pa rin ng maritime police ang search and rescue operation.

Nitong Sabado, nagsagawa na rin ng pre-emptive evacuation ang lokal na pamahalaan ng Tomas Oppus, Southern Leyte.

Aabot sa 9 pamilya mula sa Barangay Biasong ang inilikas dahil delikado sa pagguho ng lupa ang nasabing lugar.

Mananatili ang mga pamilya sa evacuation center hangga't hindi pa nakakapag-landfall ang Bagyong Auring.

Suspendido naman ang biyahe ng barge papuntang Camiguin Island mula Misamis Oriental dahil sa bagyo.
Suspendido naman ang biyahe ng barge papuntang Camiguin Island mula Misamis Oriental dahil sa bagyo.
ADVERTISEMENT
Stranded ang mga sakay ng mga cargo truck sa Balingoan Port sa Misamis Oriental.

Kasalukuyang nakataas ang Storm Signal No. 2 sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa Bagyong Auring, na inaasahang magla-landfall nitong gabi ng Linggo o sa Lunes.

-- Ulat nina Charmane Awitan at Ranulfo Docdocan
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Tandag City
Surigao del Sur
Marihatag
Jabonga
Agusan del Norte
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT