Naaksidenteng bus, dati nang nagpakita ng mga problema: mga estudyante | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Naaksidenteng bus, dati nang nagpakita ng mga problema: mga estudyante
ABS-CBN News
Published Feb 22, 2017 02:43 PM PHT
|
Updated Feb 22, 2017 03:23 PM PHT

MANILA - Bago pa man maaksidente ang bus na maghahatid sana ng mga estudyante sa Tanay, Rizal nitong Lunes, isa pang grupo ng kanilang mga kamag-aral ang nakaranas ng umano'y mga problema sa makina ng naturang sasakyan noong Linggo.

Kuwento ni alyas "Christine," kabilang siya sa unang batch ng mga mag-aaral ng Bestlink College of the Philippines-Novaliches na pumunta sa isang campsite sa Tanay noong Biyernes.

Nasakyan aniya nila pauwi noong Linggo ang umano'y may sirang Panda Coach bus na nangamoy "sunog na gulong na parang may halong grasa" sa gitna ng kanilang biyahe.

"Noong nangamoy na po iyung bus, maraming nagsabi na, 'Kuya (driver) nangagamoy na po iyung gulong.' Tiningnan lang sila sa may salamin, hindi naman po huminto," sabi ni Christine sa panayam ng DZMM.

Sinang-ayunan ito ng kanyang kaklaseng si "Remy" na nagising umano dahil sa nakakasulasok na amoy.

Bukod dito, uminit din ang sahig ng center aisle ng bus, ani Christine.

Ipinagkibit-balikat umano ng mga pasahero ang mga naturang problema dahil hindi naman ito pinansin ng driver ng bus.

"Parang wala lang naman po sa driver e," sabi ng isa pang estudyanteng si Dianne.

Nagulat na lamang umano sila, Lunes ng umaga, nang mabalitaang nawalan ng preno ang naturang bus at bumangga sa poste habang inihahatid ang panibago batch ng kanilang mga kamag-aral sa Tanay.

Labin-lima ang nasawi sa aksidente, kasama na ang driver na si Julian Lacorda.

Nakumpirma umano nilang ito ang parehong bus na sinakyan nila noong Linggo dahil natandaan nila ang body number nitong "1101."

Hindi naman tiyak nina Christine kung si Lacorda rin ang "kaskaserong" driver na nagmaneho ng bus na ginamit nila.

"Mabilis po siya. Bigla po siyang magbi-break nang matindi kaya nagigising po iyung teacher po namin sa harapan nang 5 times," patungkol ng estudyante sa driver.

Reklamo pa ni Remy, "Mag-o-overtake tapos biglang pong pepreno kaya nagigising po kami."
Reklamo pa ni Remy, "Mag-o-overtake tapos biglang pong pepreno kaya nagigising po kami."
ADVERTISEMENT
Bumuo na ang Philippine National Police (PNP) ng task force na tututok sa insidente. Itinutulak din ng ilang senador na magkaroon ng hiwalay na legislative investigation ukol dito.

Read More:
DZMM
Tagalog news
regions
Tanay accident
road accident
victims
engine problem
Panda Coact
Beslink College
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT