'Mga aplikanteng may hepatitis B di dapat pangambahan ng mga employer'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Mga aplikanteng may hepatitis B di dapat pangambahan ng mga employer'

ABS-CBN News

Clipboard

Nananawagan ang isang medical group sa mga employer na huwag gawing basehan ang pagkakaroon ng hepatitis ng aplikante para hindi ito tanggapin sa trabaho.

Ayon kay Dr. Diana Alcantara-Payawan ng Asia Pacific Association of the Study of the Liver (APASL), hindi puwedeng tanggihan ng employer ang mga aplikanteng may ganitong karamdaman sapagkat hindi naman daw ito makakaapekto sa kaniyang trabaho.

"Gumagawa kami ng stand na dapat you cannot be denied employment kung ikaw may chronic hepatitis B. Dapat you will be given equal right for employment," aniya.

Ayon sa kanilang datos, 1 sa 8 Pinoy ang may Hepatitis B. Pero di gaya ng ibang sakit, hindi naipapasa ang Hepatitis B sa laway at napakaliit ng porsyentong mapasa din ito sa pakikipagtalik.

Kabilang sa umano’y nakaranas ng diskriminasyon si Patrick Saburit na noo'y hindi raw tinanggap sa kaniyang trabaho dahil sa pagkakaroon ng hepatitis.

ADVERTISEMENT

"Sa isang pharmaceutical company, qualified naman ako. Pagdating ng medical (results) bigla nila akong dinisqualify. Hindi raw ako fit sa trabahong inaaplayan ko," aniya.

Pero dahil sa Department Order ng DOLE, nagkaroon ng polisiya ang kaniyang kasalukuyang kompanya pagdating sa medical requirements ng mga empleyado.

Iginiit ni Dr. Eternity Labio, na isang hepatologist o espesyalista sa mga karamdamang may kinalaman sa atay, pancreas, at gallbladder na karaniwang naipapasa ng ina ang sakit sa kaniyang mga anak.

"Ibig sabihin 'yung nanay hindi nagpa-prenatal check-up, tapos hindi niya alam na may hepatitis B," ani Labio.

Dagdag niya na pinakamabisang solusyon pa rin para hindi mahawa ang sanggol ay pabakunahan ito pagkapanganak.

--Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.