ALAMIN: Ano ang Mobile Number Portability Act | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Ano ang Mobile Number Portability Act
ABS-CBN News
Published Feb 23, 2019 09:40 PM PHT

Nitong Miyerkoles ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mobile portability law, na nagbibigay ng karapatan sa subscribers na gamitin ang kanilang lumang numero kahit lumipat sila ng telco.

Ayon kay Atty. Noel Del Prado, ipinanukala ang batas para mawala ang abala sa mga kostumer kapag nais nilang lumipat ng network provider, partikular na sa dagdag-bayad sa bagong sim card.

"Hindi lang hassle kumbaga iisipin nila na kahit hindi sila masaya sa serbisyo, titiisin lang nila dahil magastos din, matagal din at yun nga, ang sabi mo, mahirap isa-isahin ang mga nasa contacts mo," aniya sa "Usapang de Campanilla" ngayong Biyernes.

Binibigyan din ng 24 hanggang 48 oras ang mga telecommunication provider na tuparin ang hiling ng isang subscriber na gamitin nila ang kanilang lumang number o baguhin ang subscription plan.

"Kung gusto mo lumipat from postpaid to prepaid at from prepaid to postpaid, sabi ng batas pinag-uutos ng batas lahat ng public communications entities ginagawa at within 24 hours... 'Yung paglilipat ng service provider mare-retain mo 'yung number, within 48 hours," aniya.

Ayon sa Republic Act 11202 o "Mobile Portability Act," mumultahan ng aabot sa P1 milyon at maaaring isawalangbisa ang prangkisa ng mga telecommunication firm na hindi susunod sa mga patakarang nakapaloob sa nabanggit na batas.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Usapang de Campanilla
subscriber
cellphone
mobile
mobile portability
mobile portabilirt act
telecom
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT