Ilog ng Montible, posibleng mapagkunan ng malinis na tubig sa Puerto Princesa

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilog ng Montible, posibleng mapagkunan ng malinis na tubig sa Puerto Princesa

ABS-CBN News

Clipboard

Larawan mula kay Hazel Salas, ABS-CBN News

PUERTO PRINCESA – Limang taon nang iminumungkahi ng Puerto Princesa Water District na payagan ito ng Iwahig Prison and Penal Farm na makakuha ng malinis na tubig sa ilog ng Montible.

Ang panukala ng Puerto Princesa ay maaari lang maisakatuparan kung maaaprubahan ng Bureau of Corrections (BuCor), pero hanggang sa ngayon ay tila nahihirapan pa rin sila umanong mapapayag ang BuCor.

Ayon sa Water District, hindi umano nila mabitawan ang hangaring makuha ang Montible River bilang isa sa mapagkukuhanan ng tubig dahil hindi ito umano natutuyuan ng tubig, at ayon sa kanilang pag-aaral ay madali itong mapuntahan lalo na ng mga residente ng mga barangay sa poblacion.

Napapanahon na rin umano na maghanap ng panibagong pangunahing mapagkukunan ng tubig sa lungsod, dahil taong 2015 pa lang ay nagkukulang ang naiipong tubig sa Kampo Uno Dam, malayo sa inaasahan nilang 2018 pa bababa ang tubig doon.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Water District, kahit naging sapat pa ang supply ng tubig sa Kampo Uno Dam, na nakakapagbigay ng 600m3/hr na tubig, sa Marso umano ay bababaan ang tubig na ibibigay sa lungsod.

Sa oras na magkulang ang tubig, back-up umano ang 40 balon o deep well sa lugar.

Magpupulong ang pamunuan ng Water District at BuCor upang muling mapag-usapan ang mungkahi na magamit ang tubig sa ilog ng Montible.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.