Binatilyo, nalunod sa Aklan River | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Binatilyo, nalunod sa Aklan River

ABS-CBN News

Clipboard

Patay na nang maiahon ang 14-anyos na binatilyo na nalunod matapos mapunta sa malalim na bahagi ng Aklan River. Larawan mula kay Pauline Navarra

Isang 14-anyos na binatilyo ang nalunod sa Aklan River sa Barangay Jumarap sa bayan ng Banga sa Aklan, Martes ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Banga Police, nagkayayaan ang binatilyo at dalawa pa nitong kaibigan na maligo sa ilog.

Habang naliligo, napansin ng kaibigan nito na napunta na sa malalim na bahagi ng ilog ang binatilyo at humihingi ng saklolo. Wala umano silang magawa dahil hindi sila marunong lumangoy.

Ilang residente sa lugar na nakakita sa insidente ang tumulong para maiahon ang binatilyo pero idineklara na itong dead on arrival sa ospital.

ADVERTISEMENT

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

- Ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.