DOJ chief Guevarra inaming nalabag ang ilang protocol sa 'nanlaban' cases

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOJ chief Guevarra inaming nalabag ang ilang protocol sa 'nanlaban' cases

Mike Navallo,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 25, 2021 11:23 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA – Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may mga paglabag sa protocol ang mga pulis sa giyera kontra droga.

Sa harap ng United Nations Human Rights Council, inamin ni Guevarra na may naging paglabag nga sa war on drugs, ang pangunahing kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una na rito ay ang hindi pagberipika sa mga baril ng mga namatay dahil "nanlaban" sa mga awtoridad.

"No full examination of the weapon recovered was conducted. No verification of its ownership was undertaken. No request for ballistic examination or paraffin test was pursued until its completion," ani Guevarra.

ADVERTISEMENT

Higit 300 kaso ang tiningnan ng DOJ ng mga napatay sa Bulacan, Pampanga, Cavite at ilang bahagi ng National Capital Region.

"In more than half of the records reviewed, the law enforcement agents involved failed to follow standard protocols pertaining to coordination with other agencies and the processing of the crime scene," ani Guevarra.

Hindi na nagulat ang mga human rights groups sa sinabi ni Guevarra.

Noong Hunyo ng nakaraang taon, iniulat ng UN Office of the High Commissioner for Human Rights (OHCHR) na pawang pare-pareho ang mga serial number ng mga baril na narekober sa mga napatay mula sa iba’t ibang lugar.

Ayon kay Guevarra, naipaalam na sa mga awtoridad ang inisyal na resulta ng kanilang pagsusuri.

ADVERTISEMENT

Naisagawa na aniya ang internal investigation sa mga kasong ito at marami na ang nasasampahan ng kriminal at administratibong kaso.

Sa kabila nito, walang inilabas na datos ang DOJ.

Pero kung babalikan ang UN OHCHR report, sa higit 4,500 na kasong inimbestigahan ng PNP Internal Affairs Service, isang beses pa lang nagkaroon ng conviction: sa kaso ni Kian delos Santos.

Hindi rin umano malinaw kung ang lahat ng higit 9,000 pulis na sinampahan ng administratibong kaso ay may kinalaman sa sinasabing extrajudicial killings. Para sa UN OHCHR, hindi sapat ang administratibong kaso lang.

Pero giit ni Guevarra, gumagana ang justice system sa bansa
kaya hindi umano dapat manghimasok ang anumang external entity.

ADVERTISEMENT

Para sa Commission on Human Rights, ang pahayag ni Guevarra ay isang hakbang sa tamang direksiyon.

Para naman sa Palasyo, patunay ang report ng DOJ na iniimbestigahan ng Pilipinas ang mga paglabag sa mga karapatang pantao.

Pero duda ang ilang grupo sa dahilan ng biglang pag-amin ni Guevarra.

Ayon sa National Union of Peoples’ Lawyers, ibinaling lang umano ang sisi sa mga mabababang police officers imbes na sa pangulo at matataas na opisyal ng gobyerno.

Kinontra naman ng Karapatan ang pahayag ni Guevarra na gumagana ang justice system sa bansa dahil nagpapatuloy pa rin umano ang mga patayan.

ADVERTISEMENT

"What’s worse is that the domestic mechanisms have allowed such to continue with impunity, with such appalling injustice, that more than four years after, we are still counting the bodies, we are still looking at numerous perpetrators in uniform unpunished, and we still hear the President and his henchmen justify the murder spree. Indeed, there is no amount of window-dressing even at the UN that can hide these indisputable facts," sabi ng Karapatan.

Para kay Romel Bagares, propesor ng international law at human rights law, magandang senyales na nakikipagtulungan ang DOJ sa United Nations Human Rights Council.

Pero puna niya, maliit ang sinasabing 900 reklamong isinampa sa National Prosecution Service kung ikukumpara sa 5,600 kaso ng patay ni nirerepaso ng DOJ. Lahat ng patayan, aniya, dapat may imbestigasyon.

"Puwede nating i-excuse siguro kahit sabihin natin 100 nawawalang dokumento pero 5,000, 6,000 pinag-uusapan natin doon, hindi talaga madaling ipaliwanag 'yun," giit ni Bagares.

Umaasa si Bagares na kung DOJ na mismo ang umamin, sila na rin ang kikilos na imbestigahan ang bawat kaso ng patayan.

ADVERTISEMENT

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang PNP hangga't hindi pa nasusumite ang report ng technical working group nila hinggil sa partial report ng inter-agency drug war review panel.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.