Traffic enforcer sa Bacoor binaril ang nakaalitang helper
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Traffic enforcer sa Bacoor binaril ang nakaalitang helper
ABS-CBN News
Published Feb 26, 2021 09:00 PM PHT

MAYNILA — Sugatan ang isang lalaki matapos siyang barilin ng traffic enforcer dahil umano sa kanilang argumento sa isang aksidente sa Bacoor, Cavite.

Sa video ng isang Bayan Patroller, kita ang pakikipagbuno ng 2 lalaki sa isang unipormadong traffic enforcer sa palengke sa Zapote sa Bacoor.

Maririnig ang pagputok ng baril saka bumagsak ang lalaking nakaitim na nakilalang si John Brian Avilo, helper sa isang furniture shop.

Pero hindi natapos dito ang girian dahil tila sinusubukan pang barilin ng enforcer ang nakadilaw na lalaki na si Jocres Almonte, isang multicab driver.

Hindi pumutok ang baril. Pilit pang inagaw ni Almonte ang armas mula sa traffic enforcer na si Arcadio Belarmino ng Bacoor Traffic Management Department.

Ilang minuto pang nagtagal ang tensiyon sa pagitan ng dalawa bago bumitaw si Almonte, habang sumakay na ng motorsiklo ang enforcer at umalis.

"'Yung dalawang victim po, naglalakad, madaling araw na 'yun, nasagi po sila ng isang sasakyan. Instead po na tulungan sana sila nu'ng sasakyan, tumakbo 'yung may-ari ng sasakyan. So, after na nakita po nila 'yung traffic enforcer namin na nandu'n, nilapitan, humingi ng tulong, then nagkaroon po yata ng argument o hindi nagkasundo hanggang sa umabot na nga po sa ganong pangyayari," sabi ni Lt. Janice de Guzman ng Bacoor City police.

Tinamaan malapit sa maselang bahagi ng katawan si Avilo. Nagtamo rin siya ng maraming gasgas sa binti at tuhod dahil sa paggapang.

"Hindi namin alam ba’t nga po siya galit. Gusto namin siyang isama sa barangay para magpa-blotter. Habang nagkokomosyon po sila, bigla po siyang bumunot ng baril. Pagkahampas niya sa kaibigan ko, tumalsik po 'yun sa ilalim ng motor tapos nag-anuhan kami kasi baka pagkakuha niya, bigla kaming putokan, du'n na namin inagaw 'yung baril," ani Avilo, 26.

Problema ngayon ni Avilo kung paano matataguyod ang tatlo niyang anak na maliliit pa dahil hirap na siyang makakilos matapos mabaril.

Tinutugis pa ng pulisya ang suspek na hindi na rin pumasok sa trabaho matapos ang insidente. Nahaharap siya sa kasong frustrated murder.

Iginiit ng pulisya na hindi dapat nagdadala ang mga traffic enforcer ng armas sa duty at dapat pairalin ang maximum tolerance sa anumang sitwasyon.

"Nakipag-coordinate na rin kami sa kanilang hepe, kinausap namin regarding du'n. Then halos dito lahat ng traffic enforcer, kinausap namin, in-inspect kung may mga dala bang baril, kung may sukbit na mga baril," ani De Guzman.

—Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
shooting
traffic enforcer
Bacoor City
frustrated murder
krimen
Cavite
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT