MMDA: Pagpapalawig ng number coding, hindi automatic sa Alert Level 1 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
MMDA: Pagpapalawig ng number coding, hindi automatic sa Alert Level 1
Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Feb 27, 2022 02:51 PM PHT

MANILA — Hindi agad palalawigin ang oras ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila kahit pa ibaba ang rehiyon sa Alert Level 1, ayon sa isang opisyal.

Sa isang media forum nitong Linggo, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic czar Edison Bong Nebrija na pag-aaralan pa ng ahensya ang sitwasyon bago magbaba ng polisiya.

Sa ngayon ay umiiral ang number coding sa mga pribadong sasakyan mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi tuwing weekday, maliban kung holiday.

"Oobserbahan po muna natin ‘yung oras na pinakamaraming sasakyan at ‘yung traffic once Level 1 comes in. Oobserbahan po natin ‘yan. It may take three days to one week for us to get a volume count kung ilan po talaga ‘yung lalabas," ani Nebrija.

Sa inisyal na pagpaplano, posible umanong ipatupad din ang number coding tuwing alas-7 hanggang alas-9 ng umaga, pero wala pang pinal na desisyon.

Hindi na umano kailangang ibalik sa buong araw ang number coding, tulad noong bago ang pandemya, dahil iba na ang istruktura ng EDSA ngayon.

KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
Tagalog News
PatrolPH
TV Patrol
COVID-19
coronavirus
EDSA
MMDA
Alert Level 1
number coding scheme
number coding
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT