Bata, nagkakomplikasyon sa utak dahil sa tigdas
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bata, nagkakomplikasyon sa utak dahil sa tigdas
Magkatuwang ang mag-asawang Mariel at Mario Molina mula Baguio City sa pag-aalaga sa kanilang 5 taong gulang na anak na si Methuselah.

Si Methuselah ay may subacute sclerosing panencephalitis (SSPE), isang pambihirang sakit na nakukuha ng mga batang nagkatigdas.

Ayon kay Mariel, 2014 pa nang makaranas si Methuselah ng tigdas pero makalipas ang isang linggong pagpapagamot, nawala ang sakit at naging maayos naman daw ang paglaki ng bata.

"Pabalik-balik po 'yong lagnat niya. 'Yong lagnat niya, magtu-2 weeks na, gano’n. Sinabi ng doctor na ‘yung anak mo, parang may measles," kuwento ni Mariel.
"Sobrang daldal. Siya po 'yong bata na kahit 'di ka kilala, magbe-bless 'yan, tapos mahilig po 'yan kumanta ng worship songs,” sabi ng ina.

Pero bigla raw nag-iba ang kinikilos ng bata noong Mayo ng nakaraang taon.

"Napansin ng kuya ng asawa ko kasi nakaupo lang 'yong bata, bigla siyang... nayuyuko. Parang nagshu-shut down kasama 'yong mata na parang antok. Habang tumatagal, palala nang palala 'yung bata," ani Mariel.

Kalaunan napagtanto ng mga doktor na mayroon ngang SSPE si Methuselah.

"Medyo hindi na siya nakakasalita, hindi na talaga makapaglakad, hindi na masyadong nakakalunok at doon namin sinuspetsa na with mental deterioration, loss ng motor function niya and social interaction niya... name-meet niya ang criteria ng SSPE," ani Dr. Ma. Lourdes Trajano ng Baguio General Hospital.

Ngayon maski simpleng pag-upo at pagtayo ay hirap ang bata. Ang kaniyang mga magulang na rin ang nagpapaligo at nagpapakain sa kaniya.

Ayon kay Trajano, wala pang nakikitang lunas sa sakit ni Methuselah.

"SSPE is a bihirang sakit o rare na sakit pero once na nangyari ito, it is 95-percent case fatality. So 95 percent ng mga pasyente ay pwedeng mamatay," ani Trajano.

Madalas daw ay isa hanggang limang taon na lang ang itinatagal ng mga taong may SSPE pero mapahahaba pa naman daw ito depende sa pag-aalaga, paliwanag ng doktora.

Nag-iipon ang mag-asawa sa pang-physical therapy ni Methuselah para mapalakas ang resistensya ng bata.

Nahihirapan man sa pag-aalaga sa anak, hindi raw sila susuko.
Nahihirapan man sa pag-aalaga sa anak, hindi raw sila susuko.
ADVERTISEMENT
"Minsan kinakausap ko yung anak ko, 'Anak, kahit 'di ka na bumalik sa dati basta buhay ka lang, aalagaan kita,'" ani Mariel.

"Habang nabubuhay ang anak ko, mamahalin ko. 'Yung atensiyon ko, ibibigay ko sa kanya hangga't kaya ko maibigay. Mahal na mahal ko 'yang anak ko, sobra," dagdag ng ina.

MEASLES OUTBREAK
Magugunitang nitong buwan ay nagdeklara ang Department of Health (DOH) ng measles outbreak sa National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas, at Central Luzon.

Ang tigdas ay nakahahawang sakit na dala ng measles virus. Ilan sa mga sintomas nito ay lagnat, ubo at sipon, namumulang mga mata, at namumulang mga butlig sa katawan, ayon sa DOH.

Hinimok ng mga opisyal ng DOH ang publiko na magpabakuna para maiwasang makuha ang naturang sakit.
Hinimok ng mga opisyal ng DOH ang publiko na magpabakuna para maiwasang makuha ang naturang sakit.
ADVERTISEMENT
Para sa mga nais magbigay ng tulong kay Methuselah Molina, maaari silang tawagan sa mga numerong 0977-650-8169 at 0997-894-1170.

Para sa karagdagang detalye, sundan ang "Red Alert" sa Facebook (fb.com/RedAlertABSCBN) at Twitter (@ABSCBNRedAlert).

-- Ulat nina Jeff Canoy at Toph Doncillo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Red Alert
kalusugan
kaligtasan
measles
tigdas
bakuna
subacute sclerosing panencephalitis
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT