Saan maaaring ipanawagan ang nawawalang tao?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Saan maaaring ipanawagan ang nawawalang tao?

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 25, 2019 05:42 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mayroong mga sangay ng gobyerno at iba't ibang organisasyon na nagpapaabot ng tulong para mahanap ang mga taong iniulat na nawawala.

Nakabinbin pa kasi sa Senado ang mga panukala na magbibigay ng tukod sa pagtatayo ng isang "Missing Persons Council" na ang tanging tungkulin ay maghanap ng mga nawawala.

Isang halimbawa ay sa Philippine National Police (PNP), na ipinapasa ang mga ulat ng nawawala sa Anti-Kidnapping Group kahit hindi lahat ng kaso ay dinukot.

"Kung wala naman po ang ating demand, wala naman kaming nakikita sa evaluation process namin sa validation, binabalik natin ['yong kaso] kung saan sila nakatira," paliwanag ni Superintendent Cesar Gerente ng PNP Anti-Kidnapping Group.

ADVERTISEMENT

Payo ni Gerente, hindi kinakailangang magpalipas ng 24 oras bago ireklamong nawawala ang isang tao.

"Pumunta kaagad sa pinakamalapit na istasyon, barangay at i-report ito," aniya.

Maaaring idulog ang mga reklamo hinggil sa nawawalang tao sa mga presinto at tanggapan o shelter ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Puwede ring gamitin ang social media o lumapit sa mga panawagan-bayan sa telebisyon at radyo.

Kung may nais ipanawagan na nawawala, makipag-ugnayan sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya Tulong Center sa numerong +632-414-1296 at +632-414-5431.

Maaari ring tumawag sa programang "Lingkod Kapamilya" ng DZMM Teleradyo sa numerong 02-414-12-96 o mag-e-mail sa tulongcenter@abs-cbn.com.

-- Ulat ni Jeff Canoy at Toph Doncillo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.