Dating sekyu nang-hostage sa Greenhills mall | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating sekyu nang-hostage sa Greenhills mall
ABS-CBN News
Published Mar 02, 2020 05:34 PM PHT
|
Updated Mar 02, 2020 08:32 PM PHT

(UPDATE 2) Isang dating security guard ang nang-hostage ng tinatayang 30 tao sa isang mall sa Greenhills, San Juan ngayong Lunes.

Isa naman ang nasugatan matapos barilin ng suspek pero stable na ang kaniyang kondisyon sa ospital, ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora.

Base sa paunang impormasyon, bandang alas-10 ng umaga nang dumating ang armadong suspek sa mall at hinostage ang mga tao sa loob ng administration office.

Sinasabing ilan sa mga dahilan ng pangho-hostage ng suspek ay ang umano ay korupsiyon sa kanilang opisina at hindi makatarungan na pagsibak sa kaniya sa trabaho.

Nabulabog ang mga nagtitinda at mamimili sa mall matapos marinig ang putok ng baril ng suspek.

Isinailalim sa lockdown bandang alas-11 ng umaga ang Greenhills Shopping Center.

Sa ngayon, nakikipagnegosasyon ang suspek sa mga awtoridad.

Hiniling daw niyang makausap ang mga kasamahan niyang guwardiya ng establisimyento kahit video call lang.

Hiniling din daw ng suspek na mag-sorry sa kaniya ang mga dati niyang boss at pinagbibitiw ang mga ito sa mga puwesto.

Sa isang pahayag, sinabi naman ng pamunuan ng Greenhills na prayoridad nila ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga empleyado at publiko.

Mahigpit umano silang nakikipagtulungan sa mga awtoridad.

-- Ulat nina Jeck Batallones, Henry Atuelan, at Zhander Cayabyab ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
hostage
pamamaril Greenhills
San Juan
TV Patrol
Jeck Batallones
TV Patrol Top
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT