‘Judge Bitay’, nais maibalik ang death penalty sa bansa

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Judge Bitay’, nais maibalik ang death penalty sa bansa

Joanna Tacason,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 06, 2017 03:09 PM PHT

Clipboard

NAGUILIAN, La Union - Kilalang "Judge Bitay" ang 79-anyos na si retired Judge Joven Costales na dating hukom sa Regional Trial Court Branch 45 ng Urdaneta City.

Ayon kay Judge Bitay, nakuha niya ang bansag dahil sa dami ng kasong nahatulan ng death penalty at life imprisonment.

Umabot sa 26 kaso ang hinatulan niya ng parusang kamatayan habang 30 kaso naman ang hinatulan niya ng life imprisonement matapos i-abolish ang death penalty noong taong 2006.

Itinatago ni Judge Bitay ang kanyang mga libro na tinawag niyang "Book of Death".

ADVERTISEMENT

Ayon kay Judge Bitay, bago umano siya magpataw ng parusang kamatayan sa sinumang nagkasala ay nagdarasal ito at humihingi ng gabay sa Poong May Kapal.

Naniniwala naman ang dating hukom na dapat muling ibalik ang death penalty sa bansa at hindi lang daw dapat ito limitahan sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Nararapat lamang daw ito sa mga heinous crimes.

Kasalukuyang aktibo sa public service at senior citizens affairs office ang dating hukom.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.