1 taong gulang ginahasa umano ng 18 anyos na pinsan sa CDO

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 taong gulang ginahasa umano ng 18 anyos na pinsan sa CDO

Rod Bolivar,

ABS-CBN News

Clipboard

CAGAYAN DE ORO CITY - Arestado ang isang 18 taong gulang na lalaki matapos akusahang nanggahasa ng isang taong gulang na batang babae.

Ang biktima ay pinsan ng suspek na ilang linggo pa lamang na nakitira sa kanilang bahay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, Martes ng hapon nakiusap sa suspek ang nanay ng bata na bantayan ito dahil bibili siya ng gamot sa tindahan.

"Nang nakabalik sa bahay ang nanay paglipas ng isang oras, walang tigil na sa kakaiyak ang kaniyang anak at nakita niyang dumudugo ang pribadong parte ng bata," sabi ni Patrolwoman Jennifer Husayan, ng Women and Children Protection Desk ng Cagayan de Oro City Police Station 2.

ADVERTISEMENT

Hinihintay ngayon ng pulisya ang resulta ng medical examination ng bata.

Aminado naman ang suspek na ginalaw niya ang batang pinsan.

"Hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa. Nakokonsenya ako. Wala ako sa wastong pag-iisip," sabi ng suspek.

Sinampahan na ng kasong rape at paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination ang suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.