UP Shopping Center sa Diliman nasunog
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
UP Shopping Center sa Diliman nasunog
ABS-CBN News
Published Mar 08, 2018 07:46 AM PHT
|
Updated Jan 08, 2020 01:13 PM PHT

TINGNAN: Sunog sumiklab sa UP Shopping Center sa Diliman, QC | Kuha ni @lorenzotorres__ pic.twitter.com/8muXDBOkub
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) March 7, 2018

MANILA - (5th UPDATE) Sumiklab ang sunog sa shopping center ng University of the Philippines (UP) Diliman sa Quezon City ngayong Huwebes.

Matatagpuan sa UP Shopping Center ang Rodic's, isang kainan na itinayo noon pang 1949, gayundin ang dose-desenang eatery, computer shops at photocopying services.

LOOK: Fire visible from the Tandang Sora Commonwealth flyover | via @wddeguzman pic.twitter.com/VgK35W4iRz
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) March 7, 2018
LOOK: Fire visible from the Tandang Sora Commonwealth flyover | via @wddeguzman pic.twitter.com/VgK35W4iRz
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) March 7, 2018
Nagsimula ang sunog sa kisame ng gusali bagama't hindi pa tukoy kung saang stall, alas-7 ng umaga, sabi ni fire marshal Supt. Manuel Manuel.

Posible aniyang kuryente ang pinagmulan ng apoy na mabilis kumalat dahil gawa sa kahoy ang ilang bahagi ng shopping center.

Sa kuha ng ABS-CBN News, makikitang nabalot ng maitim at makapal na usok ang gusali, bandang alas-8 ng umaga.

Naapula ang sunog bandang alas-9 ng umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Nasugatan anila ang 1 bumbero habang rumeresponde sa insidente.

Naapektuhan ng sunog ang 42 sa 48 stalls ng shopping center, ayon kay UP Chancellor Michael Tan.

Tinatayang P500,000 ang halaga ng naabong ari-arian dito, dagdag ng BFP.

Inanunsyo ni Tan na makikipagpulong siya sa mga dean ng iba't ibang kolehiyo para mabigyan ng kunsiderasyon ang mga estudyante dahil sa nasunog na gusali sila kadalasang nagpapagawa ng photocopy ng mga thesis o readings.

Posible aniyang ma-extend ang deadline ng thesis ng mga mag-aaral.

Nitong 2017, ni-renovate ang UP Diliman Shopping Center, na isa sa mga landmark sa campus.
May ulat nina Dennis Datu at Joyce Balancio, ABS-CBN News